Dating 250 lbs., 170 lbs na lang ngayon… SHARON, 7 YRS. NANG NAGPAPAPAYAT, 'DI PA RIN KUNTENTO
- BULGAR
- Feb 25, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 25, 2023

Malaki na talaga ang ipinayat ni Sharon Cuneta ngayon at dapat talaga siyang papurihan sa aspetong ito dahil sabi nga niya ay 7 years niya itong pinaghirapan.
Taong 2016 pa pala siya nagsimulang magpapayat and would you believe na that time ay halos 250 lbs. na raw ang kanyang timbang?
“Siguro, konti na lang, aabot na akong 250. So, natakot na ako,” pahayag ni Sharon sa panayam sa kanya sa vlog ni Ogie Diaz.
“Sabi ko, 'Parang iba na ‘to. Karumal-dumal na ‘to. Ayoko na.' Kasi, health ‘yung priority (ko).
Bukod du’n sa artista ka, nakakahiyang lumabas sa TV na hindi mo naisusuot ‘yung gusto mong damit.
“Tapos, ‘yung pagkakakilala nila sa ‘yo na kaya ka nila minahal, kaya ka nila naging idolo, kasi inspirational, eh, ‘di ba? Gusto mo, laging nakikita, ‘Ay, ang ganda naman ng damit ng idol ko,’ ‘Ay, ang ganda naman ng ayos ng idol ko.’
“Parang I failed my Sharonians, so I felt a lot of guilt. After all the gifts that God and my fans gave me. So, sabi ko, after my health, ‘yun ang kasunod. So, talagang dinibdib ko lahat ‘yun,” aniya.
After 7 years ng dibdibang pagda-diet, aniya ay nakapagbawas na siya ng 70-80 lbs.
“Wala pa ako sa ideal weight ko, pero disente na. Presentable na,” she said.





Comments