Dati, super-tulong agad sa mga biktima ng kalamidad… ANGEL, MISSING IN ACTION NGAYON SA BAGYONG KRISTINE
- BULGAR

- Oct 26, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 26, 2024
Photo: Angel Locsin - FB
Biglang na-miss ng mga netizens ang aktres na si Angel Locsin sa kasagsagan ng pananalanta ng Bagyong Kristine sa bansa.
Para kasi sa ibang mga netizens ay isang Darna talaga sa totoong buhay si Angel. Hindi lang daw kasi maaasahan sa pagtulong ang aktres kundi napakaagap pa.
Saanman may nangangailangan ng tulong, darating si Angel at mauuna pa sa pag-aabot ng ayuda kesa sa mga LGUs at matataas na opisyal ng bansa.
Kaya nitong Bagyong Kristine, may netizen ang nag-post at hinahanap si Angel sa mga affected areas ng bagyo. Mapa-Yolanda, Ondoy, lindol man ‘yan o pagsabog ng bulkan, may resibo na nandoon si Angel at may dalang tulong.
Post ng mga netizens sa X (dating Twitter):
“We miss you, Angel, our real-life Darna.”
“Nakaka-miss ka po talaga sa mga panahong (ito) @143redangel.”
“Nasaan na kaya s’ya?”
Naniniwala naman ang iba na hindi tumigil si Angel sa pagtulong sa mga kababayan natin.
“Sigurado, isa rin ‘to sa mga nagbigay na ng donations sa Angat Buhay.”
“For sure, she is helping, wala lang sa limelight.”
“Hindi man s’ya nagpapakita pero sure na nag-aabot s’ya ng tulong sa bawat sakuna sa Pilipinas.”
Iba naman ang reaksiyon ng ilang netizens, “Napagtanto at napagod na ‘yan sa mga tinulungan n’ya, majority humalal sa mga walang kuwenta at inutil na pulitiko.”
“She deserves to take care of herself. Daming stars d’yan, manguna sila.”
True!
ANOTHER ‘feather on his cap’ ang pagkakapili kay Cannes Best Director awardee Brillante Mendoza bilang head ng jury sa 29th edition ng Rabat International Film Festival (RIFF) sa Morocco.
Ini-reveal ito ng mga organizers ng RIFF sa kanilang Facebook (FB) page kung saan naka-post ang larawan ng mga juries na kinuha nila from different countries.
Caption sa FB post, “Let's reveal our International Jury!
“For this 29th edition of the Rabat International Film Festival, we have the great honor to unveil a prestigious jury, chaired by one of the greatest filmmakers of our time: Brillante Mendoza. This world-renowned Filipino director, known for his neo-realistic cinema, won the 2009 Cannes Best Director Award for Kinatay, marking the history of Philippine cinema.
“At his side, Can Saraçoglu (Turkey), director and producer, with more than 30 years of experience and 250 productions at his asset. Founder of Cinetour, he brings together artists and festivals to promote cinema worldwide.
“From India, Rintu Thomas, Oscar-nominated director, marked documentary cinema with Writing With Fire, winner of two Sundance awards.
“We also have the honor to welcome Michel Coulombe (Canada), critic and author, passionate about Quebec cinema, with over 30 years of experience and a key role in the emergence of local cinema.
“Gulnara Sarsenova (Kazakhstan), award-winning director and producer, enriches our jury with her expertise with more than 50 international awards.
“Tunisian producer Dora Bouchoucha, defender of Arab cinema, has contributed to the development of cinema in North Africa and the Middle East since 1994.
“Mohammad Hushki (Jordan) joins us with his award-winning film Transit Cities and his numerous series blending drama, fantasy and sci-fi.
“Finally, Asmae Graimich (Morocco) completes our jury. This talented producer was able to tell authentic narratives, contributing to the radiance of Moroccan cinema.
“Rich in diversity and expertise, this exceptional jury is ready to celebrate the art of author cinema. Stay tuned to experience every highlight of this unforgettable edition!”
Inulan ng pagbati si Direk Brillante from his friends in and outside of showbiz.
Congratulations po, Direk Brillante!










Comments