Dati, super post tungkol sa buhay nila ni Neil… ANGEL, BIGLANG NANAHIMIK SA SOCMED
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 17, 2022

Tila nananahimik ang Kapamilya actress na si Ange Locsin sa social media.
It’s been weeks since her last post na isang short video ng kanyang ama na si Angel Colmenares habang nagpapatugtog ng kanyang harmonica, at pictures nila ng kanyang mister na si Neil Arce na magkasama.
Of course, we do hope na okey naman sina Angel at Neil. Hindi lang siguro kami sanay sa “pananahimik” ng mag-asawa sa socmed.
Kapag follower kayo ng socmed accounts ni Angel, knows n’yo na ang sipag-sipag ng mag-asawa sa pagpo-post ng kaganapan sa buhay nila or even pagpo-promote ng mga produktong ini-endorse ni Angel.
Hindi man everyday, at least, may one post si Angel for a week.
Baka naman preggy na si Angel, ‘di kaya?
Okey na ‘yan kesa naman nagkasakit sina Angel at Neil na usung-uso ngayon. O, baka kaya nag-away sina Angel at Neil na normal naman sa kahit na sino’ng mag-asawa. ‘Wag lang palalalain at mauwi sa hiwalayan. Uso pa naman ‘yan sa showbiz pagpasok ng 2022.
But what we know, may gagawing bagong project si Angel with Edu Manzano under Direk Erik Matti, ang Pinoy adaptation ng French show titled Call My Agent.
Maaaring nasa pre-production stage na ang lead cast and crew sa eight-part drama-series, kung hindi kami nagkakamali, produced by Dondon Monteverde.
Knowing Angel, kapag may ginagawang proyekto ‘yan, todo-buhos talaga ang atensiyon niya sa trabaho lalo pa’t ang balita, ipapalabas daw sa HBO Go ang serye nila ni Edu.
At baka nga naman sa sobrang tuwa niya ay makapag-post siya ng detalye sa proyekto sa kanyang socmed accounts.
Samantala, nag-react ang mga netizens sa comment ni Kris Aquino sa isang post ni Angel sa kanyang Instagram last December.
Comment ni Kris, “Hello future neighbor!”
Say ng mga netizens, “@krisaquino OMG…magiging neighbor mo si Madam @therealangellocsin!!! Ang saya naman nu’n… God bless u both.”
Nag-reply naman si Angel sa comment-post ni Kris, “@krisaquino exciting.”
Obviously, si Kris ang lilipat malapit kina Neil at Angel since naipakita na ng mag-asawa ang bahay na tinitirhan nila ngayon. At si Kris naman ay matagal nang nakatira sa condo.
Matuloy kaya ang pagiging neighbors nina Kris at Angel-Neil?
Bukod d’yan, parehong “Kakampinks” sina Angel at Kris sa pagkakaalam namin.
Meaning, they are both supporters ng presidentiable na si VP Leni Robredo.





Comments