Dati, sobrang pressured… HEART, TANGGAP NA KAHIT 'DI PA MAGKAANAK KAY SEN. CHIZ
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 23, 2023

Hindi na nga apektado at hindi na nape-pressure si Heart Evangelista sa pangungulit sa kanya ng mga bashers na nagtatanong kung kailan sila magkaka-baby ni Sen. Chiz Escudero.
Sey ng mga bashers, masyado raw kasing naging busy si Heart sa kanyang mga fashion events na dinadaluhan sa Paris at New York kaya hindi niya nabibigyan ng panahon ang “baby project” nila ni Sen. Chiz.
Dati-rati ay sobrang sensitive ni Heart kapag binabanggit ng mga bashers ang tungkol sa pregnancy issue. Malaking pressure ito sa kanya kaya madalas ay nade-depressed siya at nakakaramdam ng insecurity.
Pero ngayon, tanggap na ni Heart ang sitwasyon at nagpapasalamat kay Sen. Chiz na very supportive sa kanya. Lahat ng gustong ma-achieve ni Heart ay kanyang nakukuha.
Total freedom ang ibinigay sa kanya upang matupad ang lahat ng kanyang pangarap.
Nakilala sa fashion world sa Paris at New York si Heart Evangelista at nag-level-up nang husto ang kanyang pagiging fashionista kaya napakasuwerte niya kay Sen. Chiz Escudero.





Comments