Dati raw, ni kama, wala…ANDREA, SOBRANG TUWA NA NAKARATING NA SA NEW YORK
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 8, 2022

Napaiyak sa sobrang kaligayahan si Andrea Brillantes habang nag-i-Instagram Live last Saturday night.
Kasalukuyang nasa New York si Andrea kasama ang iba pang Star Magic talents para sa kanilang US concert tour na first time niyang naranasan.
Kaya naman hindi niya napigilang maging emosyonal habang ipinapakita sa kanyang mga followers ang theater na pagdarausan ng concert.
“I’m so overwhelmed lang kasi pinapangarap ko lang ‘to dati, makapunta sa New York. Never kong hiniling na mag-perform, alam n’yo ‘yun? Kasi lagi kong iniisip na imposible ‘yun,” umiiyak na sabi ni Blythe (real name ni Andrea).
Tila hindi nga makapaniwala ang aktres na darating ang araw na ito na makakarating siya sa New York at makakapag-perform pa sa isang malaking theater doon.
“Laki lang talaga ako sa hirap. Wala kaming kama dati, sa matting ako natutulog. Tapos ngayon, ‘andito na ‘ko, magpe-perform ako, ‘yung ganitong klaseng theater. Sobra-sobra akong amazed pa lang tingnan. Parang hindi siya totoo. Parang ‘yung nakikita ko lang sa movies.
“Tapos, ako, ako magpe-perform? Dito? Sa harap ng mga tao. Ang galing ni Lord, sobrang galing ni Lord,” emosyonal pa ring sabi ni Andrea.
Gusto lang daw niyang i-share sa mga tao ang kaligayahan niya sa kanyang IG Live at nagpasalamat sa kanyang mga fans, supporters, family at mga kaibigan for supporting her all these years.
“Lalung-lalo na sa fans ko. Hindi ako makakapunta rito kundi dahil sa inyo,” she said.
Proud din daw siya sa sarili niya dahil naging matatag siya at hindi sumuko sa mga naranasang hamon sa buhay.
“Now, I’m here. I’m so happy,” sambit pa niya na bakas na bakas talaga ang kaligayahan.





Comments