Dati, pabayang ama kaya negang-nega… PAOLO, NAGING PANG-MASA NA DAHIL SA PAMIMIGAY NG PERA SA EB!
- BULGAR
- Jun 17, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 17, 2023

Mabuti na lang at ‘di sensitive si Paolo Contis dahil siya ang paboritong tirahin at pag-initan ng mga bashers nang tanggapin niya ang offer ng TAPE, Inc. na maging isa sa mga hosts ng bagong Eat… Bulaga!.
Kampante naman ang aktor sa kanyang pagho-host sa nasabing noontime show. Sa katunayan, swak ang tandem nila ni dating Mayor Isko Moreno. Pareho kasi silang witty, energetic at mabilis makaisip ng mga jokes.
Well, puwedeng-puwede na ngang maging poste ng EB! si Paolo dahil mas nailalabas niya ang kanyang hosting skills.
Bentahe rin sa aktor ang pagiging host ng nasabing noontime show dahil makukuha na niya ang loob ng mga tao. Magiging pang-masa at good boy na ang dating niya sa publiko, hindi na suplado, isnabero at pabayang ama ang magiging impresyon sa kanya ng lahat. Mabubura na rin ang dati niyang “chickboy image.”
Marami ang natutuwa ngayon kay Paolo sa tuwing namamahagi siya ng cash prizes sa ilang studio audience. Tulad ni Willie Revillame, mamahalin na rin siya ng mga viewers.
Baka ito na nga ang hinihintay niyang pagkakataon upang mabago na ang pagiging nega niya sa mata ng mga netizens.





Comments