top of page
Search
  • BULGAR

Dati na raw siyang hubadero… JC, GAME MAKIPAGTIKIMAN SA KAPWA LALAKI KAHIT MAY MISIS NA

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 30, 2022



Speaking of "kabataan", gustong ibalik ng magaling at guwapong aktor na si JC Santos ang kanyang dating katawan kahit pa isa na siyang ama ngayon sa anak nila ng misis na si Shyleena Herrera.


"Balik-alindog" program ang kinakarir ngayon ni JC bilang sila ng chef na misis na si Shyleena ang latest endorsers ng BeautéHaus Clinic ng BeauteDerm owner na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.


Itinatag ni Mam Rhea nu'ng 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.


Ini-launch na nga sina JC at Shyleena last Sunday sa Beautederm event na ginanap sa Marriott Hotel sa Clark, Pampanga kung saan present din ang mga local endorsers ng Beautederm products ni Ma'm Rei.


Kabilang dito ang mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; at ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero.


Nandiyan din ang Clark International Airport Corporation Vice-President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea, ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally-acclaimed fashion designer na si Mak Tumang.


Anyway, going back to JC, dahil balik-alindog nga siya, tinanong namin kung willing pa ba siyang magpa-sexy o magpakita ng kanyang abs sakaling may offer sa kanya sa movies.


Natawa kami sa sagot niyang G na G siya (game na game) dahil kahit nu'ng nasa teatro pa lang naman daw siya ay hubadero na talaga siya!


At kahit sa mga BL (boy's love) series ay game rin daw si JC basta para sa work!


Kaya masasabi mong aktor talaga si JC dahil wala itong inaatrasang role. Mapa-babae o lalaki ang kanyang kapareha ay todo-bigay siya sa pag-arte.


Biro tuloy ng kanyang misis na si Shyleena, sinasabihan nga raw niya si JC pag-uwi ng bahay na mag-toothbrush muna nang mabuti matapos ang mga kissing scenes nito sa iba't ibang babaeng nakakapareha tulad na lang ni Bela Padilla, na in fairness ay kumare naman daw nila dahil ninang ito ng kanilang anak.


Samantala, sina JC at Shyleena ay 76th at 77th endorser na ng Beautederm ni Ma'm Rei Tan.


Sana naman bago umabot sa 100 endorsers ay matupad na ang wish ni Ma'm Rei na makuha rin niyang endorsers sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at Megastar Sharon Cuneta.


Naku, 'pag napaoo ni Ma'm Rei si Megastar, ang sayang makitang magkasama sila sa presscon ng kanyang ex-husband na mas naunang endorser ng Beautederm na si Gabby Concepcion!


Oh, talbog, devah?!!!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page