Dati, ‘di naman daw pinapansin… RYZZA, BIGLANG-SIKAT DAW DAHIL KAY KIM
- BULGAR

- Jul 3
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 3, 2026

Photo: Ryzza Mae Dizon - IG
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagso-sorry si Kim Chiu kay Ryzza Mae Dizon sa bad joke niyang binitiwan sa It’s Showtime! (IS). Ikinumpara ni Kim sa ghost character na si Lotus Feet si Ryzza Mae kaya dismayado ang mga fans.
Ipinagtanggol naman ng mga fans si Kim. Kaya lang daw pinalaki ng kampo ng Eat… Bulaga! (EB!) host ang nasabing insidente ay dahil gusto lang gamitin upang mag-ingay ang career nito.
Bentahe raw at nakatulong kay Ryzza Mae ang issue nila ni Kim dahil nagkaroon siya ng exposure sa mga tabloids at sa social media.
Hindi naman daw dating napapansin ng mga viewers ng EB! si Ryzza Mae. Sumikat siya dahil marami ang naaawa at nakikisimpatya sa kanya.
Well, dahil sa pananahimik ni Ryzza Mae ay mas marami ang humanga sa kanya. Patunay na habang inaapi si Aleng Maliit ay dumarating ang suwerte sa kanya.
Samantala, bukod kay Bimby na regular na napapanood sa show, dumalaw na rin si Joshua at nakipag-bonding kay Ryzza Mae.
Tuwang-tuwa ang studio audience at mga televiewers na makitang nagkakasama sina Ryzza Mae, Bimby at Joshua.
Baka next time, pati si Kris Aquino ay sumali na rin?
NAGDIRIWANG at excited ang mga fans at supporters nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz dahil may balitang may inilulutong reunion movie project nila, ang Every Single Chance (ESC).
Wala pang detalye kung sino ang magpo-produce at magdidirek ng movie. Pero posible rin na maging co-producers sina Bea at John Lloyd mismo.
At kahit sino pa ang producer ay hindi na mahalaga sa mga fans, basta matuloy lang ang muli nilang pagtatambal sa pelikula.
Ibang-iba pa rin ang chemistry ng tambalang Bea at John Lloyd. Kaya kahit matagal nang naghihintay ang mga fans sa reunion movie ay hindi sila nawawalan ng pag-asa. Solid ang suporta nila.
MARAMI nang serye at pelikulang nagawa ang Kapuso Princess na si Barbie Forteza. Nakaganap na rin siya sa iba’t ibang klaseng roles. Nasubukan na niya ang drama at comedy. Nakatrabaho na rin niya ang magagaling na veteran stars at naidirek ng mga de-kalibreng direktor.
Pero, given the chance, gusto ni Barbie na makaganap sa isang stage play. Humanga siya sa husay ng mga theater artists at ito ang gusto niyang ma-experience.
Nang manood ang aktres ng stage play na Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh Sh*t! It's Live Sa Cheter!, nakita niya ang malaking pagkakaiba ng effort na ibinibigay ng mga theater artists. Todo ang kanilang preparasyon.
Kaya kapag may magandang script na dumating at i-offer sa kanya ay tatanggapin niya. Malaking challenge ito para kay Barbie. Dito masusukat ang kanyang kapasidad bilang aktres.





Comments