Barilan, holdapan, carnapping, etc. — PNP... Krimen sa GTA 6, huwag gayahin

by Mervin Reyes @News | November 21, 2026

Photo: GTA VI / YT
Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga mahilig sa video games na huwag gayahin sa totoong buhay ang mga krimen at karahasang ipinapakita sa mga laro, kasabay ng paglulunsad ng Grand Theft Auto VI (GTA 6).
Kabilang sa mga krimeng tampok sa GTA franchise ang pagnanakaw ng sasakyan, armadong holdapan, pamamaril, pagpatay, pananakit at pagtakas sa pulisya.
Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na dapat malinaw ang pagkakaiba ng virtual entertainment at totoong buhay.
“Entertainment must never blur our understanding of right and wrong. What may be permissible in a virtual world has no place in real life when it violates the law, endangers others, or disregards human life,” ani Nartatez.
Ayon sa Reuters, inilabas ang GTA 6 matapos ang 13 taong paghihintay, na may tinatayang production cost na hindi bababa sa $1 bilyon.
Paalala pa ng PNP, walang reset button o respawn sa totoong buhay at may mabigat na kapalit ang bawat krimen.





Comments