DARYL ONG, INIWAN DAW SA ERE ANG ABS-CBN PARA SA MGA MARCOS
ni Nitz Miralles - @Bida | July 26, 2022

Matagal nang hindi nag-a-update sa kanyang Facebook account ang controversial
director ng Maid in Malacañang, kaya hindi siya maaway ng mga galit sa kanya at nagpahayag na hindi nila panonoorin ang pinaka-controversial niyang movie.
Sa August 3 pa ang playdate ng movie, pero siguradong pagkatapos ng red carpet premiere sa July 29, marami ang magre-react sa movie at waiting sa kanila si direk.
In fairness kay Direk Darryl, kahit may mga ayaw na tawagin siyang film director, heto at nominated si Sharon Cuneta bilang Best Actress sa pelikulang Revirginized na mula sa direction ni Direk Darryl.
May mga gustong hingin ang reaction ni Direk Darryl dito, pero matagal na nga siyang hindi nagpo-post sa FB. Wala man lang bang nag-congratulate kay Direk Darryl?
And speaking of Maid in Malacañang, dalawa ang theme songs ng movie, ang Nosi Balasi na kinanta ni Marion Aunor at ang Dahil Sa Iyo na kinanta ni Darryl Ong.
Sa dalawa, si Darryl Ong ang naba-bash, iniwan daw ang ABS-CBN para maging part ng controversial movie.





Comments