DARREN, UMAMIN KAY BOY NOON SA RELASYON NILA NI CASSY, BEST FRIEND LANG DAW NGAYON
- BULGAR
- Apr 12, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 12, 2024

Todo-react ang kampo ni Cassy Legaspi nang mapanood ang sinabi ni Darren Espanto sa It’s Showtime na wala siyang girlfriend ngayon at single na single.
Literal na inilaglag ni Darren ang dalaga ni Carmina Villarroel. Ipinagpilitan ni Darren na best friend lang niya si Cassy Legaspi at wala siyang commitment sa dalaga.
Pero, sa nakaraang interview kay Darren ni Boy Abunda last November, 2023, inamin ni Darren na more than friends ang relasyon nila ni Cassy. At patunay nito ang mga ipinost nilang larawan nila na super sweet na magkasama at halos hindi na naghihiwalay.
So, para pala kay Darren ay best friend lang si Cassy at wala silang seryosong relasyon?
Malinaw na pinaasa lang pala ni Darren si Cassy at wala siyang balak na maging girlfriend ang Kapuso star.
Masakit para kay Cassy Legaspi ito kung totoong minahal niya si Darren. Kaya naman, may cryptic post siya matapos mapanood ang pagdedenay ng actor-singer.
At mas nagulat ang viewers ng It’s Showtime nang mag-guest naman si Kyline Alcantara sa show at siya naman ang inirereto ng mga hosts kay Darren.
Teka nga, ‘di ba't ex-GF ni Mavy Legaspi na kakambal ni Cassy itong si Kyline?
Parang adding insult to injury ang ginagawang ito ni Darren, kaya bina-bash siya ngayon ng mga fans ni Cassy Legaspi. Wala raw respeto sa babae ang lalaking nagdedenay sa kanyang dating karelasyon.





Comments