- BULGAR
Darna, kahit kalilipad lang… JANE, MOST OUTSTANDING FEMALE ACTRESS OF THE YEAR
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 27, 2022

Sisilipin ng manager na si Tyronne Escalante ang schedule ng talent niya na si Jane de Leon kung keri ng bagong Darna ang maka-attend sa Asia’s Pinnacle Awards 2022 na gaganapin sa Okada Hotel on October 8 (Saturday), 6 pm.
Isa si Jane sa mga awardees sa gabi ng parangal bilang Most Outstanding Female Actress of the Year, habang si Tyronne ay pararangalan ng Most Exemplary Artist Management of the Year.
Say ni Tyronne nu’ng makausap namin sa media launch ng Asia’s Pinnacle Awards 2022, “That I have to check po. Kung pasok naman po sa schedule, why not? Pero kasi, may prior commitment kami sa Darna. Pero ipinaparating naman niya ang kanyang pasasalamat sa award-giving body.”
Thankful of course si Tyronne sa pagkilala sa kanya ng Asia’s Pinnacle award-giving body sa pangunguna ni Dr. Ronnel Ybañez, ang founder and president ng APA.
First award daw ni Tyronne ang matatanggap niya mula sa APA bilang talent manager, pero ikatlong award na raw niya ito.
“Sobrang nagpapasalamat po ako na naisip nila ako na bigyan ng award sa larangan na ginawa ko. Hindi ko in-expect ito, not at all. Marami pong magagaling sa industry na gaya ko, kaya nagpapasalamat po talaga ako na na-notice nila ako kahit baguhan pa lang ako as a talent manager. At least, naging relevant ako sa pananaw nila,” pahayag ni Tyronne.
Sa magaganap na award’s night sa Okada Manila, ang mga bibigyang-parangal na mga celebrities ay magkakaroon ng chance na makahalubilo ang mga kilalang businessmen na nagmarka rin ang kontribusyon at expertise sa kanilang sektor.
Ang aspirasyon sa pamamahagi ng recognition ng APA is to provide our local artists (with businesses) the best and prestigious venue for possible future collaborations with fellow Filipinos in the business category.
Ang board of council na namili ng nominees and awardees ng APA para sa business sector ay sina Erarev "Anne” Bacho (founder of Eralista), Asec. Vidal Villanueva (assistant secretary of Cooperative Development Authority), Charms Espina (PTV4 news anchor), Nico Faustino (founder of Go Live Asia), and Dr. Alim Fatani (national president of Ulama and Imam of the Philippines Association).
At ang head of jury naman sa entertainment category ay ang filmmaker and events director na si Perry Escaño.