Dapat ‘pag 40-anyos daw, nag-e-enjoy na lang… VICE, HUMUGOT SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 30, 2026

Photo: FB Vice Ganda
Diretsahang inilarawan ng TV host na si Vice Ganda ang realidad na kinakaharap ng maraming ordinaryong Pilipino, lalo na pagdating sa sahod, travel, at kalidad ng buhay.
“Dapat, ‘pag 40 daw, ine-enjoy mo na ‘yung mga pinagtrabahuhan mo. Paano mo ‘to maa-achieve sa Pilipinas?” saad ni Vice.
Dagdag pa niya, hindi madaling makamit ang ganoong lifestyle kung hindi sapat ang kinikita ng isang manggagawa.
“Forty years old ka na, minimum pa rin ang ibinibigay sa ‘yo. Forty ka na, ‘di ka pa maka-travel. Kabilang istasyon nga, ‘di mo mapuntahan kasi baha,” ani Vice.
Well, sad to say, ang hirap maging mahirap, lalo na kung stagnant ang suweldo at minimum wage pa rin.
‘Di ba naman, madlang people?
Movie nina Vice at Nadine at serye ni Anne, wagi rin… ANGELICA, NAKA-BRONZE PARA SA BEST FEMALE LEAD SA CONTENT ASIA AWARDS SA THAILAND
MULING umani ng international recognition ang ABS-CBN matapos magwagi si Angelica Panganiban, ang Call Me Mother (CMM) at It’s Okay to Not Be Okay (IOTNBO) sa ContentAsia Awards 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes, Agosto 27.
Nasungkit ni Angelica ang Bronze for Best Female Lead in a TV Programme/Series Made in Asia para sa pagganap niya bilang Jackie Carpio sa ABS-CBN Studios mystery-thriller series na The Silent Noise (TSN).
Tampok sa 10-episode series ang isang pamilyang nabalot ng misteryo matapos ang pagkamatay ng guro ng kanilang deaf na anak.
Wagi naman ng Silver for Best Feature Film or Telemovie Made in Asia ang CMM na pinagbidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre. Umiikot ang pelikula sa kuwento ng isang foster mother na gustong legal na ampunin ang batang kanyang pinalaki, habang muling bumalik sa buhay nito ang biological mother.
Nakakuha rin ng Silver for Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia ang Philippine adaptation ng Korean hit na IOTNBO na pinagbidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino. Tampok dito ang tatlong karakter na may kani-kanyang pinagdaraanan at sugat mula sa nakaraan habang natututo silang magmahal, maghilom, at tanggapin ang isa’t isa.
Mahigit 500 entries mula sa Asia ang isinumite sa ContentAsia Awards ngayong taon, habang mahigit 180 programa ang nominado sa 35 categories.
Inilunsad noong 2020, kinikilala ng ContentAsia Awards ang mahuhusay na programa at talento sa Asia at pinipili ang mga nagwagi ng industry professionals na may karanasan sa creative at production process.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments