Dapat malaman ng tao ang bakuna na ituturok sa kanila
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 23, 2021
Naging mainit ang usapin tungkol sa desisyon ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng “brand agnostic” vaccination.
Ayon sa DOH, hindi na dapat ianunsiyo ang brand ng bakuna na gagamitin para maiwasan ang overcrowding sa vaccination sites.
Dinumog ng mga tao ang vaccination sites sa Maynila at Parañaque nang mag-anunsiyo silang Pfizer na ang brand ng bakuna na kanilang gagamitin.
Hindi tayo pabor sa desisyong ito ng DOH. Naniniwala tayo sa informed consent at binibigyan natin ng pagpapahalaga ang full disclosure sa indibidwal sa kung anong bakuna ang ituturok sa kanya.
Binibigyan din natin ng konsiderasyon ang kapasidad ng tao na magdesisyon para sa kanyang sarili.
☻☻☻
Kung brand crowding ang problema ng DOH, malinaw na communication issue ito at may pagkukulang ang DOH pagdating sa kanilang vaccine information campaign.
Sa halip na magpatupad ng “brand agnostic” vaccination, mas mabuti sana kung lalo pang paigtingin ng ahensiya ang pagpapaliwanag sa mga tao na lahat ng brand ng bakuna ay epektibo laban sa COVID-19.
☻☻☻
Bukod dito, marami namang ibang paraan na maaaring gawin ang DOH sa halip na ipatupad ang brand agnostic vaccination.
Nariyan ang istriktong pagpapatupad ng vaccine schedule at maaari ring pagsabayin ang paggamit ng dalawang brand ng bakuna sa isang araw para mahikayat ang mga tao na pumunta sa vaccination sites.
Napakaimportante na magkaroon tayo ng herd immunity at hindi makatutulong ang brand agnostic vaccination para labanan ang vaccine hesitancy sa ating bansa.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments