top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dapat magkaroon ng label na ‘DDS citizens’, he-he-he!

BULGAR
May 16, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 16, 2021



PABIDA NI P-DUTERTE VS. CHINA, PINAGTAWANAN NG PUBLIKO—Imbes na kabiliban ang kanyang pabida sa sambayanang Pinoy ay naghagalpakan sa tawa ang mga netizens sa sinabi ni P-Duterte tungkol sa China na, “Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan.”


Nagtawanan ang mga netizens sa social media kasi duda nila ay joke na naman ito ng pangulo, at pangkampanya lang lalo na’t kinukumbinse ng partido nilang PDP-Laban na sumabak ito sa vice-presidential race sa 2022 election, boom!


◘◘◘


DAPAT MAGKAROON NG ‘DDS CITIZEN’—Dapat yata ay gumawa ng batas ang mga mambabatas na magkaroon ng DDS (Duterte Diehard Supporters) citizens at hindi na sila ituring na mga Pilipino.


Porke kasi nagkomento lang noon si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo na puwedeng maging lider ng isang bansa ang sinumang babae bilang pagkontra sa statement ni P-Duterte na hindi pambabae ang posisyong pangulo ay nagalit na ang mga DDS sa kanya at ikinakampanya nilang matalo ang pambato ng mga Pilipino sa Miss Universe World’s competition, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


NAUNSIYAMING IMBESTIGASYON NG SENADO SA QC POLICE VS PDEA, DAPAT ITULOY NA—Muntik na naman magkabarilan kamakalawa sa buy-bust operation ang mga operatiba ng Quezon City police at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa isang mall sa Fairview, Quezon City.


Dahil d’yan, dapat ituloy na ng Senado ang naunsiyami nilang imbestigasyon sa naunang misencounter ng QC police at PDEA noong Feb. 24, 2021 sa tapat din ng mall sa Commonwealth Avenue, QC na ikinasawi ng dalawang pulis at dalawang tauhan ng PDEA kasi kung dededmahin lang ito ng mga senador at hindi gagawa ng mahigpit na batas para sa proper coordination, baka ang mangyari na ang laging nakikita ng publiko na nagbabarilan sa buy-bust operation ay mga parak at mga agente ng PDEA, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page