DANIEL, WALA SA MGA PINA-FOLLOW NI KATHRYN SA TIKTOK
ni Julie Bonifacio @Winner | July 10, 2023

Pinasok na rin ni Kathryn Bernardo ang pagti-TikTok. Agad na nag-trending ang kauna-unahang video na ipinost ng aktres sa nasabing social media application.
Idinaan ni Kathryn sa pagpo-post sa kanyang Twitter page ang announcement ng paggawa niya ng TikTok account.
Tweet ni Kathryn, “May TikTok na si beshie,” kasunod ang link ng kanyang account sa Tiktok.
Nag-post ng reaction sa naturang tweet ni Kathryn ang kanyang mommy na si Min Bernardo at ang aktor na si Joshua Garcia.
Ang unang entry ni Kathryn sa Tiktok ay isang short video clip na may connect sa usung-uso ngayon na larong lato-lato.
Ang inilagay namang caption ng aktres sa naturang post: “Lato-lato but make it fashion.”
Unang makikita sa nasabing video ang isang babae na nakatayo sa likod ni Kathryn at nag-dialogue ng, “Guys versus lato-lato.”
Dahan-dahan namang lumitaw sa harap ng babae ang fully made-up na si Kathryn habang may suut-suot na mga black dangling earrings na sa dulo ay may pagka-color steel na tila mga small solid balls.
Game na game namang inalug-alog ni Kathryn ang kanyang ulo para gumalaw ang mga suot niyang dangling earrings at nagmistulang lato-lato na nga ang mga ito.
Habang isinusulat namin ito, pumalo na nga agad sa 184,400 ang kanyang followers sa TikTok, umani na rin ng 166,100 likes ang naturang post at nakakuha naman ito ng mahigit 990,600 views.
Grabe ‘yun, ha!
Of course, very happy naman ang mga fans ni Kathryn, pati na rin ang mga KathNiel fans nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.
“Masaya na naman ang gabi ng lahat kasi may TikTok acct. na rin si Ate Kath.”
Anyway, napansin naman namin na tanging walong accounts lang ang pina-follow ni Kathryn sa kanyang TikTok page, at kabilang na nga sa mga ito ang pamangkin niya na si Qyona, ang international singer-songwriter na si Taylor Swift, pati na rin ang mga local stars na sina Loisa Andalio at Alora Sasam.
Oh, bago mag-react ang iba r’yan kung bakit wala sa listahan ang long-time boyfriend ng aktres na si Daniel, probably, wala pang “official” TikTok account ang aktor.
Pero baka dahil kay Kathryn ay maengganyo na rin si Daniel na gumawa ng kanyang personal TikTok account at mag-upload ng mga videos niya.
Why not?





Comments