Daniel, out… KATHRYN AT PIOLO, MAGKASOSYO SA ITINAYONG BOUTIQUE SA PALAWAN
- BULGAR
- Oct 30, 2022
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 30, 2022

Trending ang picture nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magkasama sa opening ng isang boutique sa Liu Resort sa El Nido, Palawan na joint business ng ilang celebrities.
Isa si Kath sa mga nagmamay-ari ng boutique together with Piolo Pacual and some other celebrities.
Hindi kasama sa joint venture business si DJ.
Sina Papa P. at Kath ang nag-cut ng ribbon sa nasabing opening ng boutique.
Ayon sa mga netizens, strategy umano ng Kapamilya na ipakita sa social media na magkasama ang KathNiel despite the rumors na break na ang longest celebrity love team in showbiz.
Kumakalat kasi ngayon sa showbiz industry na hiwalay na ang KathNiel.
Komento ng mga netizens…
"Kailangan nilang magkasama kasi nasa kontrata. Char!"
"Galing talaga ng strategy ng ABS. Diyan ako bilib sa kanila, eh, basta kailangan ng gimik, kayang-kaya nila."
Humanga naman ang mga netizens sa pag-i-invest ng mga artista na nagsama-sama para sa isang negosyo.
"Wow, amazing achievement and investment. Galing nilang mag-invest wisely."
"Opening pala. Akala ko sila lang dalawa na vacation. Dami cameras oh."
"Gawa-gawa lang naman 'yung breakup ng mga toxic sa TikTok."
Ikinumpara naman ito ng mga netizens sa breakup na nangyari sa JaDine (James Reid-Nadine Lustre). Ganito rin ang JaDine noon, eh. May ganap muna bago in-announce ang breakup."
"Bongga. Infer, mas nag-i-invest talaga sila sa real estate. Kasosyo yata si Papa P dito, kita ko sa tagged photos. Nandu'n din sina Cristine Reyes, etc."
"Kath and Piolo (and others) pala mga business partners sa resort, 'di pala join si Daniel."
Sey naman ng isang netizen, "Matagal naman nang naka-schedule ang opening nitong resort, kaya I was just waiting na lumabas 'to para ipamukha sa mga uhaw na uhaw mag-break ang dalawa."





Comments