top of page
Search
  • BULGAR

Daniel, may kapalit na… KATHRYN, INAMIN SI ECHO

ni Julie Bonifacio @Winner | February 4, 2024



True ang balita na may mga gustong manulot kay Kathryn Bernardo sa ABS-CBN para i-manage siya after her contract expired last year. At ‘di lang manager ang gusto siyang sulutin kundi pati TV network.


Pero gaya ng sabi ni Kathryn sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe, her heart daw is set only on ABS-CBN. At never daw niyang in-entertain ang thought na umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network/manager.


Once and for all, nilinaw din ni Kathryn ang umuusok na balitang may relasyon sila ni Jericho Rosales.


Ikinuwento ni Kathryn na ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo ang kausap niya na mag-jogging. Kasama ni Kathryn si John sa AngTV show noon ng Kapamilya Network. But who knows, it may only be the start ng friendship nila ni Echo.


And only time can tell kung may mabuong something sa kanila later (later o baka now na?!).


Eh, kasi ‘pag iniisip ang timeline ng pag-amin ni Echo ng hiwalayan nila ng misis niya na si Kim Jones at pagkalat sa socmed ng pictures nila, we smell something fishy.


Sa tagal-tagal na panahon at paulit-ulit na pag-usisa kay Echo sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kim, all of a sudden ay bigla siyang nagsalita at umaming limang taon na pala silang hiwalay.


Kaya kung totoong sina Kath at Echo, ‘di na kami magugulat. At kung pagbabasehan ang mga nakalipas na karelasyon ni Echo, parang may pattern ng hitsura, ha?


From Kristine Hermosa, (‘wag na nating isama si Angelika dela Cruz na first girlfriend ni Echo sa showbiz) hanggang kay Kim Jones, lahat sila ay lean ang mga katawan.


At kung may niluluto man na project for Kathryn and Echo, puwedeng-puwede silang pagtambalin. It’s about time na i-partner na si Kathryn sa mas mature actors like Echo and Piolo Pascual.


During our live episode kahapon ng #CelebrityBTS na napapanood sa Facebook page ng BULGAR every Saturday, 11 AM, with Ateng Janiz Navida, BULGAR Entertainment Editor, ay napag-usapan namin kung sino ang bet namin na Top 3 actors na puwedeng makasama ni Kathryn sa project.


We chose Echo, Piolo and James Reid, while si Ateng Janiz, mas type niya si Enrique Gil more than James.


Pero ang pinili naman ni Kathryn ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, at sina Piolo and Echo.


Puwede!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page