top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DANIEL AT ALDEN, NAGKITA NA SA KASAL NI DIREK CATHY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 5, 2023



Nasa Singapore ngayon sina Julia Montes at Alden Richards para sa shooting ng movie nilang Five Break-Ups and a Romance.


Sila lang sa cast ang nakita naming lumipad papuntang Singapore. Ang mga eksena lang siguro nina Alden at Julia ang kukunan ni Director Irene Villamor sa nasabing bansa.


Excited na ang mga fans na makilala sina Lance at Justine, mga karakter nila sa nasabing pelikula na first collab ng GMA Pictures, Cornerstone Entertainment at Myriad Corporation na pagmamay-ari ni Alden.


Wala lang nabanggit ang mga producers kung kailan ang showing ng pelikula na ngayon pa lang ay talagang inaabangan na ng mga fans.


Kaya kahit hindi na matuloy pa ang movie project nina Alden at Bea Alonzo, may isa pa namang pelikula ang aktor na dapat abangan ng kanyang mga fans.


Speaking of Alden, nagkita silang dalawa ni Daniel Padilla sa wedding nina Direk Cathy Garcia-Molina at Louie Sampana na ginanap sa Zambales noong May 2.


Marami ang natuwa na makita ang dalawa na magkasama sa isang special occasion at may litrato pa sina Alden at Daniel bilang souvenir.


Ibig sabihin lang, walang problema sa dalawa kahit balitang nagselos noon si Daniel nang makapareha ni Kathryn Bernardo si Alden sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page