‘Di raw kailangan ng mamahaling regalo… DANICA, GUSTONG MA-SOLO SI MARC KAHIT 2 DAYS LANG
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 1, 2026

Photo: FB Danica Sotto Pingris
May pakiusap si Danica Sotto sa mister niyang si Marc Pingris.
Sa isang episode ng House of D (HOD), ibinahagi ng aktres ang kanyang kahilingan sa asawa na dating PBA player.
Ipinahayag niya na kahit lubos na panatag si Marc sa kanyang pagmamahal, gusto rin niyang pahalagahan nito ang kanyang katapatan.
Binigyang-diin ni Danica na napakahalagang mapanatili ang matibay na ugnayan bilang mag-asawa dahil kalaunan, lalaki rin ang kanilang mga anak at aalis sa kanilang tahanan, at silang mag-asawa na lang ang maiiwan.
Ang pagpapanatili ng isang matibay na pagsasama ay nangangailangan ng pagsisikap, komunikasyon at oras.
“I feel kasi sometimes he’s so secure with my love for him. Alam n’yang I’m there, secure s’ya, alam n’yang ‘di ako gagawa ng kalokohan. But I also want him to value my loyalty and show that to me,” sambit ng anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto.
Sinabi niyang hindi mahalaga ang mga materyal na bagay. Sa halip, ang mga simpleng pag-uusap at mga personal na sandali ang siyang nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.
“Dahil ang alam ko sa pagmamahal ay oras. ‘Di mo ako kailangang bilhan ng mamahaling regalo, alam ‘yan ng mga kaibigan ko. Kausapin mo lang ako, ‘Kumusta ang araw mo?’ Kasi bilang nanay, ang sasabihin mo, una, mga anak mo muna.
“S’yempre, ‘di mo naman puwedeng kasama ang biyenan mo, lalo na’t tumatanda na rin s’ya. Pero ang hinihintay ko lang sa kanya, ‘Sana, Marc this year, may ‘me time’ rin, one trip. Wala akong pakialam kung nasa ibang bansa ka o nandito, ibigay mo lang sa akin — dalawang araw na tayo lang.’”
Paliwanag pa ni Danica, bagama’t lubos niyang pinagkakatiwalaan si Marc at alam niyang isa itong mabuting asawa, dapat maging maingat ang mga mag-asawa na huwag abusuhin ang pagmamahal ng isa’t isa.
“You know that secure ka sa love ko, pero ‘wag mo rin namang abusuhin na okay lang ‘yan, nand’yan lang si Danica,” aniya pa.
BINALIKAN ni James Reid sa The B Side (TBS) ng Cinema One ang paggawa ng pelikulang Never Not Love You (NNLY) kasama si Nadine Lustre at sinabi niyang isa itong ‘crazy project’ dahil kakaiba ang paraan ng pag-shoot nito.
“That was a crazy project,” ani James.
Wala raw halos kumpletong script. Marami sa mga eksena at linya ay improvised o kusang nabuo habang kinukunan.
Kakaiba rin ang direksiyon ni Antoinette Jadaone. May mga pagkakataong magkaiba ang utos niya sa dalawang bida.
Halimbawa, kay James, “Siguraduhin mong ‘di aalis si Nadine.”
Kay Nadine naman, “Umalis ka.”
Dahil dito, naging mas natural at matindi ang emosyon sa eksena.
“It was definitely something more mature. Even from the coloring and everything, it’s darker... because it’s not exactly like a ‘happily ever after’.
“It’s a bit more nuanced than that... a bit more complicated. So that was definitely a step up from the projects that we had done, as it should be... as we were growing up and maturing,” pagbabahagi pa niya.
Tutuluyan daw dahil sa pagnanakaw…
LAKAM, TAMEME KAY KIM
INIULAT na itutuloy ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang pagsasampa ng kasong legal laban sa kanyang kapatid at matatag siya sa kanyang desisyon.
Noong nakaraang taon, pormal na nagsampa ng kaso si Kim laban sa kanyang Ate Lakam Chiu.
Ang reklamong pagnanakaw laban kay Lakam ay dahil umano sa pagsusugal nito.
“Nalulong s’ya sa pagsusugal. Madalas s’yang makita sa Solaire o sa casino sa isang hotel. Nalugi si Lakam ng daan-daang milyong piso mula sa kinita ni Kim dahil sa pagsusugal sa nakalipas na dalawang taon,” sabi ni Atty. Jesus Falcis.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang ate ni Kim kaugnay ng inilabas na statement ng Star Magic na itutuloy ng kanilang talent ang kaso laban sa kapatid nito.





Comments