top of page

Dance cover, ini-repost pa ng K-pop member… AC, PINA-FOLLOW NA NINA JUNGKOOK AT J-HOPE NG BTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 9, 2026



Jungkook, AC Bonifacio at J-Hope ng BTS - Instagram

Photo: Jungkook, AC Bonifacio at J-Hope ng BTS - Instagram



Hindi lang simpleng pag-follow ang ibinigay ni J-Hope ng BTS kay AC Bonifacio sa TikTok dahil talagang all-out support pa ang K-pop superstar matapos niyang i-like at i-repost ang dance cover ng Kapamilya star sa kanilang track na Hooligan.


Ibinahagi ni AC sa kanyang Instagram (IG) Story ang nakakakilig niyang fangirl moment.

“GOOD MORNING! I’M YOUR HOPE, YOU’RE MY HOPE, J-HOPE,” sey niya sabay post ng screenshot ng kanyang notification tab kung saan makikitang naka-follow, naka-like, at ini-repost ng BTS member ang kanyang video.


Sa kasalukuyan, umabot na sa 1.8 million views at daan-daang libong likes ang naturang dance cover ni AC, patunay kung gaano ito kinagiliwan hindi lang ng mga fans kundi pati na rin ng mismong idol niya.



AC Bonifacio sa Hooligan dance ng BTS - TikTok

TikTok / AC Bonifacio



Hindi rin napigilan ng mga fans ng BTS at ni AC ang kilig at inggit sa natamong atensiyon ng young dancer. May ilan pang umaasa na baka ito na ang simula ng isang dream collaboration sa pagitan ni AC at ng global K-pop group.


“Ikaw na bukod na pinagpala @BonifacioAc. I’m so happy for you,” komento ng isang fan.

“How to be AC Bonifacio, naka-follow na nga sina Jungkook at J-Hope sa kanya. Haba ng hair!” dagdag pa ng isa.


Matatandaang nauna nang nag-follow si Jungkook kay AC sa TikTok, na lalong naging espesyal dahil inamin ng Kapamilya star na siya ang kanyang bias sa grupo.

“BYE I CAN DIE NOW, joke lang. Bye, magti-TikTok ako. My bias since 2017, oh my! Thank you po, hi po, I’m AC,” nauna na niyang pahayag.


Matagal nang ipinapakita ni AC Bonifacio ang kanyang paghanga sa BTS sa pamamagitan ng paggawa ng dance covers at pagsali sa kanilang mga dance challenges na regular niyang ibinabahagi sa social media kaya naman tila dream come true ang mapansin ng kanyang mga iniidolo.





KAPANSIN-PANSIN ang post ni Dimples Romana sa larawan ni Bea Alonzo at ng nobyo nitong si Vincent Co.


Makikitang magkasama ang dalawa sa isang tila makabuluhang pagtitipon noong Holy Week, kasama si Dimples, ang kanyang mister, at kaibigan nilang si Bea Saw.

Positibo ang naging reaksiyon ng mga netizens sa nasabing larawan ng soon-to-be husband and wife.


May tsikang mas marami raw alam si Bea Saw tungkol sa buhay ni Bea Alonzo ngunit nananatiling tikom ang bibig nito.

Ilan sa mga komento ng mga netizens:


“Meeting na ‘yan ng wedding entourage.”

“S’yempre, bridesmaids ‘yan. Mukhang blooming si Bea.”

“Gusto ko ang relationship n’ya ngayon, tahimik lang.”


May ilan ding puna tulad ng mga sumusunod…

“Bakit laging naka-side view si Bea?”

“Parang gustong present sa lahat ng ganap.”

“Medyo off sa akin si Dimples, parang dikit sa mga kilala.”

Ganern?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page