top of page

Damit, sash, notebook ng mga pinagdaanan niya, etc… PIA, IBEBENTA ANG MGA SOUVENIR NIYA SA MISS UNIVERSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2024
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Oct. 31, 2024



Photo: Pia Wurtzbach - IG


Kung si Nora Aunor ay hindi ibebenta kay Boss Toyo ng P5 million ang kanyang damit na isinuot nu’ng manalo siya noon sa Tawag ng Tanghalan (TNT), iba naman ang drama ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Ayon sa ilang showbiz reports, mas gusto ni Pia na i-promote ang kanyang pa-subasta (auction) ng kanyang mga memorabilya bilang beauty queen na tinawag niyang Love Gala, Eternal Elegance, A Night of Timeless Love na idaraos this coming December 3.



Ang lahat daw ng kikitain nito’y nakalaan para sa Youth Center for Taguig City para magsagawa ng mga serbisyo that will address the challenges na kinakaharap ng mga kabataan.


Kabilang sa ipao-auction ni Pia ay ang kanyang silver dress nang mapiling isa sa Top 15 sa Miss Universe (MU) noong 2015.


Kasama rin ang kanyang mga sashes noong sumali sa Binibining Pilipinas hanggang sa MU.


Also to be auctioned off ay ang kanyang pinakaiingat-ingatang notebook na naglalaman ng kanyang mga struggles.


And most of all, dedma siya sa mga pahayag sa kanya ni Heart Evangelista at keber daw, wala siyang panahon. Boom, ‘yun na!


 

Inspirasyon sa mga baguhang singers…

LIFE STORY NI APRIL BOY, GINAWANG PELIKULA KAHIT PATAY NA


DUMALO kami sa iskrining ng Idol: The April Boy Regino Story na talaga namang nakaka-inspire sa mga Gen Z na aspiring singers now.


Ayon sa producer nito na si Madam Marynette Gamboa of Waterplus Productions, “Nu’ng panahon ng 2019 ay nagkukuwentuhan lang kami ni April Boy pero ‘di ko alam na bulag na pala s’ya.


“Nu’ng mag-perform siya sa stage nu’n, ang daming tao at talagang natutuwa sa kanya. Nagpe-perform siya na parang ‘di s’ya bulag.


"At talagang na-impress ako. At nu’ng malaman ko na bulag pala s’ya, sabi ko kay April Boy, ‘Gawin ko kayang pelikula ang iyong life story.’ Nu’ng birthday ko, ang sabi sa ‘kin ni April Boy, 'Madam Marynette, sana magkaroon ka ng mas maraming pera para magawa mong pelikula ang aking life story.'


“Sabi ko naman, ‘Sige, gawin natin.' Pero November, namatay na s’ya. So, itong paggawa ko ng kanyang life story ay pangako ko sa patay. Kumbaga, sinugalan natin ito na ang pag-asa natin, na merong Diyos na gagabay sa ating gagawing pelikula na life story nga ni April Boy Regino. 


“Hindi ko na inisip kung paano, basta bahala na ang Diyos. S’ya na lang ang tutulong sa ‘tin,” ang mahabang paliwanag ni Madam Marynette Gamboa.


O, siya, madlang pipol, panoorin natin ang nakaka-inspire na life story ni April Boy Regino, lalo na ‘yung mga aspiring singers d’yan. 


Ang playdate ay sa November 27 in theaters nationwide. Devah naman, Gorgy Rula? 

‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page