top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Daming naghihirap, tapos bongga ang b-day party ng Speaker sa Balesin Island, huwaaaw!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 12, 2021



BONGGA ANG B-DAY PARTY NI SPEAKER HABANG MARAMING NAGHIHIRAP—Dumalo si Presidential daughter, Mayor Sara Duterte at pro-Duterte congressman sa magarbo o bonggang birthday party ni Speaker Lord Allan Velasco sa exclusive Balesin Island sa Polilio, Quezon province.


Hay naku, habang maraming Pinoy ang naghihirap sa panahon ng krisis na dulot ng pademya, itong mga pulitikong ang pakilala’y lingkod-bayan ay pasarap lang sa buhay, mga pwe!


◘◘◘


LAKAS NG MGA TAGA-PHARMALLY KASI NAGAWANG IPA-REHISTRO SA LTO ANG SMUGGLED SPORTS CARS—Nabulgar na walang records sa Bureau of Customs (BOC) ang mga sports cars na binili ng mga executives ng Pharmally Pharmaceutical Corp.


Kung walang records, ibig sabihin ay smuggled ang mga mamahaling sasakyan na ‘yan.


Malakas talaga sa Duterte gov’t. ang mga taga-Pharmally kasi mantakin n’yo, bukod sa nagagawa nilang mang-scam sa kaban ng bayan, nagagawa rin nilang iparehistro sa LTO (Land Transportation Office) ang mga smuggled sports cars, mga buwisit!


◘◘◘


NTF-ELCAC BUWAGIN, INTEL FUNDS NG PANGULO, TANGGALIN!—Dahil hindi maipaliwanag kung saan nila ginagasta ang pera ng bayan, nagpasya ang Senado na i-reject ang hirit na P28 bilyong budget ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) at ginawa na lang itong P4 bilyon.


Para sa kaalaman ng publiko, ang budget ng NTF-ELCAC ay katulad din ng intelligence fund ng pangulo na sakit sa ulo ng mga taga-COA (Commission on Audit) kasi hindi nila ma-audit kung saan ginagasta dahil ang palaging katuwiran ng NTF-ELCAC at Office of the President, confidential ito, hindi nila puwedeng sabihin kung saan nila ginagasta.


Sa totoo lang, ang dapat sa NTF-ELCAC ay buwagin at tanggalin naman ang intel funds ng pangulo kasi mantakin n’yo, pera ng bayan ‘yan, tapos ayaw nilang sabihin sa COA kung saan nila ginagasta, mga pwe!

◘◘◘


DAPAT FIREHAWK HELICOPTER ANG BINILI NG GOBYERNO, HINDI BARIL PARA SA MGA BUMBERO—Kahapon ay nabalita na namatay sa sunog ang isang guro at tatlo niyang anak sa Dumangas, Iloilo at patay din sa sunog ang dalawang paslit sa Caloocan City, at ang katwrian ng mga bumbero, makipot ang daan patungo sa mga nasunog na bahay kaya hindi agad nila narespondehan ang mga biktima.


Ang tanong: May naitulong ba sa mga nasunugan ang inilabas na budget ng Duterte gov’t, na ipinambili ng mga baril para sa mga bumbero? Wala!


Kung ang bilyun-bilyong pera ng bayan na ipinambili ng mga baril sa mga bumbero ay ibinili ng mga firehawk helicopter (helicopter na nagbubuhos ng tubig sa mga nasusunog na bahay at kagubatan), baka sakali nailigtas pa sa kamatayan ang mga biktima, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page