top of page

Dambuhalang problema sa ekonomiyaang sasalubong sa pag-upo ni P-BBM

  • BULGAR
  • Jun 30, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 30, 2022


MAUUPO na sa Palasyo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


PASALUBONG sa kanyang pag-upo ang sobrang taas na presyo ng petrolyo, mababang halaga ng piso, dambuhalang deficit at hindi maawat na pagtaas ng singil sa konsumo ng elektrisidad at tubig.


Paano niya ito masosolusyunan?


◘◘◘


KALIWA’T kanan ang graft and corruption na kinumpirma ni outgoing president Duterte na hindi niya kayang resolbahin.


Kailangang ingatan ni P-BBM ang pagpili ng mga bagong itatalaga sa bawat posisyon.


◘◘◘


MALAKI ang tiwala ng 31 milyong botante na pumabor sa kanya na makagagawa siya ng paraan samantalang nanonood at nangungutya ang halos 20 milyong bumoto sa kanyang mga kalaban sa huling presidential derby noong Mayo.


Isang malaking paghamon ito sa isang Marcos.


◘◘◘


SA unang buwan ng pag-upo ni P-BBM, babalutin ng dilim ang buong Occidental Mindoro.

Bakit?


Ito ay dahil sa makupad na pagkilos ni Energy Regulatory Commission (ERC) chief Atty. Agnes Devanadera.


◘◘◘


AYON kay Rep. Carlos Zarate, walang kapatawaran ang kapalpakan dahil sa kakapusan ng supply ng kuryente sa 11 munisipalidad sa Occidental Mindoro mula pa nitong nakalipas na araw ng Sabado.


Itinigil na kasi ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) ang pagsu-supply ng kuryente sa Occidental Mindoro Power Cooperative (OMECO).


◘◘◘


IKINAKATWIRAN ng OMCPC, paso na ang kontrata na nagbibigay-pahintulot sa kanila para makapag-supply ng 20 megawatts sa OMECO.


Ang problema, hindi na rin pinagbigyan ni Devanadera ang hiling ng OMECO na palawigin pa ang kontrata, kasabay ng direktiba sa kooperatiba na kumuha na lang muna ng kuryente OMCPC na agad tumanggi.


◘◘◘


SIMPLE lang ang dahilan ng krisis: Tapos na ang kontrata.


Paano ngayon ‘yan? Simpleng problema, pero hindi masolusyunan.


◘◘◘


HINDI ba’t bilang hepe ng ERC, dapat prayoridad ni Devanadera ang tiyaking nasa ayos ang mga kontrata sa pagitan ng mga power producers at kooperatiba?


Gaano ba katagal ang kailangan ng ERC para rebisahin ang mga kontrata ng maliliit na power cooperatives?


◘◘◘


MALIIT na kooperatiba lamang ang nagbibigay ng elektrisidad sa mga lalawigan, pero napeperhuwisyo nito ang ordinaryong mamamayan kapag nadidispalinghaado ang serbisyo.


Paano ngayon ‘yan?


◘◘◘


ANG mga dambuhalang korporasyon, tulad ng Meralco at Aboitiz Power lamang ba ang babantayan ng ERC?


Nanghihinayang tayo at nababahala kasi’y puntirya pa naman ni Devanadera ang maging kalihim ng Department of Energy (DoE).


◘◘◘


KUNG napapabayaan ng ERC ang Occidental Mindoro, paano pa ang sitwasyon ng bansa kung sakaling siya ang makatsambang makopo ang DoE post?


Esep-esep lang kahit paminsan-minsan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page