top of page
Search
BULGAR

Damay daw sa pagiging nega ng utol ni Toni… GRETCHEN, NAKIPAG-COLLAB SA VLOG NI ALEX, TINAWAG NA CHEAP

ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 26, 2024



Photo: Alex Gonzaga at Gretchen Barretto - Instagram


Maraming netizens ang nagbigay ng unsolicited advice kay Gretchen Barretto sa ginawa nitong pakikipag-collab kay Alex Gonzaga.


Na kesyo hindi na raw uso si Alex at dahil sa mas madalas na ‘nega’ ang nakukuha nitong reaksiyon, malamang daw ay maging ‘nega’ rin si Greta.


“Ang bongga na nga ng mga balita sa kanya lalo na ‘yung tungkol sa pagbili n’ya ng building, tapos, may ganitong ka-cheap na collab isyu kay Alex?” bahagi pa ng mga komento ng mga netizens.


Matagal na nga namang panahon na walang activity sa kanyang socmed (social media) si Greta, kaya marahil nanabik sa kanya ang kanyang mga supporters and seeing her doing a collab is something na hindi raw nila inaasahan.


Pero na-curious kami, ha? Hindi na ba uso si Alex Gonzaga? Sa last silip kasi namin sa vlog account niya, marami pa rin naman siyang mga followers at views.


 

Dahil sa mga nangyayari ngayon sa pulitika, may tsikang hindi na umano itutuloy ang naudlot na sequel ng Malacañang series of movies na pagbibidahan sana ni Aga Muhlach.


Sa napakagulong sitwasyon ngayon sa ilang mga lider ng bansa, hindi raw napapanahon na pag-usapan ang pagsasapelikula, lalo’t may sarili umanong ‘diskarte’ ang producer nitong si Sen. Imee Marcos na magre-re-elect nga sa susunod na halalan.


Noong grand media launch ng Uninvited, kinumusta namin ito among others kay Aga, pero wala nga rin daw siyang update at all maliban sa nasabihan siyang “shelved” muna ang naturang project.


Matatandaang naging excited si Aga sa pag-aaral ng kilos, pananalita at nuisances ni PBBM, pero mukhang naitabi nga muna niya ito dahil sa mas mapanghamong role niya sa Uninvited.


Sa trailer pa lang kasi ng naturang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, mukhang matatakot at masisindak ka sa character ni Aga. 


Sey pa nga niya sa kanyang role, “Katatakutan, kamumuhian pero mamahalin mo at the same time.”


 

Sina Seb Pajarillo at Jeniffer Maravilla naman ang latest na mga artists ng GMA Playlist na nag-launch ng kanilang respective single.


Dati Pa ang title ng single ni Seb na personal niyang pinili dahil sa tema nitong pag-move-on tungkol sa relasyon.


‘Di Na Puwede naman ang sagot ni Jeniffer na isa ring hugot song na nilagyan din daw niya ng personal touch bilang naranasan din niya ang mainlab.


Sa tanong namin kung bakit laging klik ang mga hugot songs ng mga singers at dumedepende na lang sa interpretation ang success nito, sey ng dalawa, “Because we all fall in love, nabibigo, at bumabangon. Falling in love, feeling the love and moving on and forward for love are great emotions na nakakatulong sa ating pagkatao. Lahat po kasi nakaka-relate somehow.”


Ngayong November 29 na ire-release sa mga music platforms ang magkaiba nilang single at proud ang pamunuan ng GMA-7 Playlist sa dalawang artists na kapwa rin mga active sa mga teleserye ng Kapuso Network.



0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page