top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Damage control daw… ALEX, TODO-BIGAY SA MGA HILIG NG FANS DAHIL ‘DI SIYA INIWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 6, 2023



Pagkatapos ng kontrobersiyang pinagdaanan ni Alex Gonzaga sa pagpahid niya ng icing ng cake sa isang waiter, tinupad niya ang kahilingan ng lima sa milyun-milyon niyang subscribers sa latest vlog ng sissy ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.


Sabi ni Alex sa kanyang vlog, “Ito ay way to personally say thank you because I really do love you all. Maraming-maraming salamat sa lahat ng netizens ko na nand’yan. Sa lahat ng replies n’yo sa last blog (ko), hindi ako iiyak, hindi ‘to podcast, hehe. Pero sa lahat ng nag-reply na ‘Nandito pa rin kami para sa ‘yo,’ nakakataba po ito ng puso at maraming- maraming salamat dahil alam ko, nandid’yan kayo, nagmamahal sa akin.


“At tunay ang pagmamahal n’yo kasi hindi ko naman kayo talaga kilala lahat pero nandid’yan kayo at nagre-reply para pagaangin ang nararamdaman ko. Kaya maraming- maraming salamat.”


Personal na pinuntahan ni Alex ang kanyang subscribers na nag-request na pa-picture, pa-shoutout, kumain sa resto nila at kung anik-anik pa.


Sa comment section ng kanyang vlog sa YT ay hangang-hanga ang mga netizens sa ginawa ni Alex.


“Grabeh! Kakaiba ‘to kasi ngayon lang ako naiyak sa vlog ng nag-iisang AG. More powers!


‘Andito lang kaming mga solid fans mo.”


“You're the best, AG. Kahit ‘di ako napili, super-saya ko na makita silang masaya. More blessings.”


“Hindi ko alam pero kapag naiiyak ‘yung nag-e-mail, parang naiiyak na rin ako. I can feel the humility and sincerity of Alex.”


Iba naman ang pananaw ng mga bashers ni Alex sa kanyang ginawa.


“Damage control. Till your next mistake.”


“Walang pa-cake?”


“On time na ba siya sa mga schedules niya? Hindi na ba siya bastos sa mga taong mas mababa ang posisyon sa kanya?”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page