Dalawin daw sana.... CESAR, GUSTONG MAGPAKITA SI PRES. MACOY KAY DIEGO
Updated: Jun 28, 2022
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 27, 2022

Masayang-masaya si Cesar Montano na siya ang napiling gumanap na Ferdinand Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang under Viva Films mula sa direksiyon ni Darryl Yap.
Bukod sa comeback movie niya ito after a long while ay first time niyang makakasama ang kanyang anak na si Diego Loyzaga na gumaganap naman bilang si Bongbong Marcos.
“It is a great blessing,” sabi ni Cesar sa online mediacon na ginanap kamakalawa kung saan ay pormal na ipinakilala sa press ang cast ng movie.
“Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,” aniya.
Ang pelikula ay tumatalakay sa last 72 hours sa Malacañang ng Marcos family during the 1986 EDSA People Power Revolution at ayon nga kay Cesar, hindi niya akalain ni sa panaginip na gagawin niya ang mga senaryong naganap that time lalo na nga ang i-portray si Macoy.
Kaya naman laking-pasasalamat niya sa Viva Films at sa direktor na si Darryl Yap. Aniya ay isang malaking karangalan daw na gampanan ang papel ng ating dating pangulo.
Hindi raw siya nagkaroon ng oportunidad na makilala si former President Marcos at sayang nga raw na hindi na niya ito matatanong tungkol sa kanyang gagampanang karakter.
Biro pa ni Cesar, “Puwede bang magpakita siya kay Diego? Si Diego na lang ang kalabitin niya sa gabi,” sabay tawa.
Pero sa nababasa raw niya noon pa man, isang bagay na pareho sila ni Macoy ay ang pagmamahal sa agrikultura.
“I have that passion in agriculture, I love farming, I love planting, I believe that agriculture is the key para maiangat ang bansa natin,” he said.
Magsisimula pa lang mag-shooting sina Cesar at buong cast and production team pero may playdate na ito ng July 20 at positibo naman si Direk Darryl na matatapos nila ang pelikula sa takdang oras.
Pormal na sinasalubong ng BeautéHaus ang dramatic actor na si JC Santos at ang kanyang misis na si Shyleena Herrera bilang opisyal na brand ambassador nito.
Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan nu'ng 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.
Ipinagmamalaki ng clinic ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto rin ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.
Sa nakalipas na anim na taon, libu-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatments.
Ngayon, ang center ay ang isa sa pinakapinagkakatiwalaan na dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya na lamang ng mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice-President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama rin ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally-acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorsers naman ng Beautéderm.
Nagsimula si JC sumailalim sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments.
Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.
“Kahit kaming mga lalaki ay dapat um-effort para maging maayos ang aming hitsura,” sabi ni JC.
“Bilang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”
Si Rhea Tan naman ay maligayang-maligaya rin ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus.
“BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ngayong kasama na namin si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito,” pahayag ni Ms. Rei.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa BeautéHaus at para sa mga kapana-panabik na updates ukol kay JC Santos, i-like ang BeautéHaus sa Facebook at sundan ang @beautéhaus.clinic sa Instagram.





Comments