top of page

Daks daw tulad niya… NIKKO, UMAMING NAKITA NA ANG MANOY NI WILBERT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 12, 2022



Inamin ni Hashtags Nikko Natividad na isa sa mga dahilan kung bakit siya pumirma sa Viva Artist Agency para maging co-manager ito ng manager niyang si Becky Aguila ay dahil sa mga kaibigang kapwa Hashtags members na sina McCoy De Leon at Wilbert Ross.


Sa ginanap na solo mediacon ni Nikko via Zoom kamakailan ay naikuwento niya ito.


“Nakakausap ko po sina McCoy at Wilbert sa itinatakbo ng career nila sa Viva na grabe rin mag-produce ng movie. Si Wilbert, parang every month, may ginagawa siyang movie sa Viva.


“Pero kasi after ko ng Star Magic, lumapit ako kay Tita Becky and tinanong nila kung gusto kong mag-Viva at hindi naman ako nagdalawang-isip kaya pumunta kami rito sa Viva,” bungad ng actor/dancer.


Pareho sila ng genre ni Wilbert kaya natanong si Nikko kung sinabihan na niya ang kaibigan ng, "Tabi-tabi ka na, nandito na ako."


“Kapag magkakasama po kami, lalo na ‘yung Boy Bastos, sinasabi niya sa akin na, ‘Bro ‘yung bago kong movie, ikaw ‘yung naiisip ko. Ikaw ‘yung gusto kong gayahin. ' Kasi po sa social media, medyo naughty po ako, so nabanggit niya.


“Tapos, nu’ng nabanggit kong magbi-Viva na ako, sabi ko, '‘Wag kang mag-alala, hindi ko aagawin sa ‘yo ang trono dahil ikaw lang ang nakakagawa niyan, napaka-sexy mo talaga, Wilbert,’” pahayag ni Nikko.


Hinangaan talaga si Wilbert sa mga naging pelikula niyang napapanood sa Vivamax dahil wala siyang takot magpakita ng butt at wala siyang qualms sa mga ipinagagawang eksena, base na rin sa papuri sa kanya ng mga naging direktor niya tulad nina GB Sampedro sa High on Sex series at Victor Villanueva sa Boy Bastos.


“Pero po pagdating sa sexy-comedy, gusto kong magkatrabaho kami,” sambit ng aktor.


Natanong din si Nikko na self-proclaimed ‘daks’ kung kakabugin ba niya si Wilbert?


“Wala naman pong umamin na dyutay sila, eh. Uy, daks din po si Wilbert, nakasabay ko siyang umihi,” tumawang pambubuking ni Nikko.


Masayang ikinuwento rin ni Nikko ang unang pagkikita nila ni Boss Vic del Rosario na pinapipirma na siya kaagad ng kontrata at bibigyan daw siya ng maraming pelikula.


“Talagang iga-grab ko po talaga dahil ito naman ang gusto kong gawin. Then, sabi niya, ‘Hindi lang movie, puwede ka ring magsabi kung ano ‘yung mga gusto mong project.’"


Kaya ang tanong ay handa na ba si Nikko na magpakita ng lahat-lahat?


“Nagpakita na po ako sa Camshow, naka-plaster po ako. Kaya naman po kung kailangan sa movie,” saad nito.


At ang ipapangako ni Nikko sa mga Viva producers, “Hindi ko po pasasakitin ang ulo nila. Dapat ay mabait sa lahat.”


Ang pahabol na tanong ay sino ang gustong makatrabaho ni Nikko pagdating sa isyung kapwa sila ‘daks’?


“Ang gusto ko po, eh, si Jerald Napoles. Nag-message pa 'ko sa kanya sa Instagram na sabi ko, ‘Bro, sana magka-work tayo.’ Hindi ko pa sinasabi sa kanyang magbi-Viva ako. Feeling ko, siya rin ‘yung daks kaya kailangang magkatrabaho kami para malaman na mas lamang ako,” paseryosong sabi ni Nikko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page