top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahilan ng hiwalayan nila ni Carla… TOM, NA-SCAM NANG MILYONES SA SINALIHANG PARTYLIST

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 3, 2022




Trulili ba na na-scam umano ang aktor na si Tom Rodriguez sa in-invest daw niyang milyones sa sinalihan niyang partylist na Anak ng Maharlikang Pilipino kasama ang kaibigan at best man sa kasal nila ni Carla Abellana na si Billy James Renacia na isa ring aktor at konektado sa construction business?


Nabanggit noon ni Billy sa panayam nila ni Tom na, “Nire-represent ng aming partylist group ang mga construction workers. Ako mismo, nakapagtrabaho ako sa construction kaya alam ko ang mga hinaing nila. Alam ko ang mga pangangailangan nila. Ganu’n din si Tom, dalawa kami sa mga nominees ng aming partylist, then meron pang isa.”


Kaya nag-file sila ng COC noong Oktubre, 2021, pero sa kasamaang palad ay isa raw ang Anak ng Maharlikang Pilipino sa 126 partylist na hindi pumasa sa COMELEC.


Ito ang naging topic nina Manay Lolit Solis, Mr. Fu at Nanay Cristy Fermin sa nakaraang Take It Per Minute, Me Ganu’n FB Live at YouTube channel.


Nabanggit pa na isa rin daw ito sa mga rason kung bakit nagkahiwalay sina Tom at Carla, dahil sinuway ng aktor ang payo ng aktres na huwag maglagak ng malaking halaga sa nasabing grupo.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Tom Rodriguez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page