Dahilan ng hiwalayan, matindi raw… XIAN, SIRA ANG CAREER 'PAG NAGSALITA SI KIM
- BULGAR
- Jan 5, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 5, 2024

Marami ang curious malaman kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.
Nagtataka kasi ang madlang people kung bakit mas pinili ng dalawa na tapusin na ang 12 taon nilang relasyon at hindi na naisalba pa.
Ang iniisip nga ng marami ay matindi marahil ang dahilan.
Pero sa ngayon ay wala pa namang nagsasalita sa dalawa sa rason ng breakup at mukhang wala naman silang balak isapubliko pa ito.
Pero kung magsasalita raw si Kim tungkol dito ay tiyak na ikasisira ng career ni Xian.
Isa ito sa mga laman ng balita ni Nanay Cristy Fermin at ni Romel Chika sa nakaraang episode ng kanilang programang Cristy Ferminute.
Sey ni 'Nay Cristy, may isang source na nag-chika raw sa kanya tungkol dito.
“Mabait itong si Kim Chiu. Respetedo niya ang kanyang kapwa. Edukado siya. Kapag ito ang nagsalita, matinding pasabog ang kalalabasan,” simulang tsika ng veteran TV and radio host/entertainment writer.
“Kapag nagsalita na raw si Kim Chiu, goodbye na sa kanyang career si Xian Lim. Ano kaya'ng ibig sabihin noon?” sey pa niya.
Sabi naman ni Romel Chika, “Naku, 'Nay! Ano kaya ‘yung sasabihin na gusto nating malaman at ipapaalam sa atin ni Kim Chiu kapag nagsalita siya?”
Sey naman ni 'Nay Cristy, kilala raw talaga si Kim na napakabait at tahimik lang na tao.
Kahit nga raw noong nag-break sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson ay wala siyang sinabing masama sa aktor.
“Ewan ko lang this time, ha, dito kay Xian Lim. Kasi mukhang pabor sa kanya ang lahat ng tao na ‘Mabuti naman nagtanggal ka na ng helmet sa ulo. Nauntog ka na sa katotohanan,’” saad ng batikang manunulat.
Ang tanong ngayon ng marami ay ano ang pasabog na ito ni Kim na ikawawasak daw ng career ni Xian?
Well, abangan na lang natin kung magsasalita si Kim.





Comments