- BULGAR
Dahilan kaya raw lumayas sa bahay… HEART, 'DI IDINE-DENY NA NAKABUNTIS SI SEN. CHIZ
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 14, 2022

Labis na ipinagtataka ng marami kung bakit hindi itinatanggi ni Heart Evangelista ang tsismis na diumano ay nakabuntis ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero. Ito raw ang dahilan kaya nagkaroon ng problema ang kanilang pagsasama at nagdesisyon si Heart na iwan na ang kanilang bahay at manirahang mag-isa sa condo.
Puro ang mga emote at himutok lang ni Heart at tungkol sa kanyang kalungkutan ang ipino-post niya sa social media. Naghahanap si Heart ng kaligayahan na naging mailap daw sa kanya.
Sa kabila ng napakarangya niyang lifestyle at pagkakaroon ng collection ng milyones na alahas at branded bags and shoes, hindi pa rin masaya si Heart sa kanyang buhay.
Marami naman ang nagsasabing tiyak na mahihirapan na si Heart na humanap ng kapalit ni Sen. Chiz Escudero. Hindi mapapantayan ng sinumang lalaki ang pagmamahal, pang-unawa at suporta na ibinigay sa kanya ng mister. Tiyak na mari-realize rin ito ng Kapuso actress kapag tuluyan nang nawala sa kanya ang senador.
Ang daddy nga mismo ni Heart ay naging super close kay Sen. Chiz kaya nagustuhan nang magpatayo ng bahay sa Sorsogon at du'n na manirahan. Tiyak na maraming tao ang maninibago sa kanilang paghihiwalay na ayaw pa rin nilang aminin hanggang ngayon.