Dahil senior citizen na… WILLIE, NAMIGAY NG HOUSE AND LOT AT NAMUDMOD NG DATUNG

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 28, 2021

Birthday kahapon (January 27) ng Wowowin host na si Willie Revillame.
Nasa parte na ng kanyang second life si Kuya Wil dahil isa na siyang senior citizen.
Bilang pagseselebreyt ng ika-60 kaarawan niya, namigay ang generous TV host ng house and lot sa kanyang programa kahapon puwera pa ang mga cash prizes.
Last January 15, bago sumapit ang actual birthday ni Kuya Wil, ini-launch ng Wowowin ang Pera o Kahon Text Promo.
Sa nasabing palaro, magbibigay ang mga participants ng kanilang birthday greetings para kay Kuya Wil. Ang bawat greetings ay isang entry para makasali sa game.
Ini-raffle ni Kuya Wil sa mismong araw ng kanyang birthday kahapon ang mga nag-participate.





Comments