Dahil sa tikiman… PARENTS NI CHARLIE, AYAW PANOORIN ANG MOVIE NILA NI PAULO
- BULGAR
- Jan 3, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 3, 2021

Natuwa si Iza Calzado sa pagkakapanalo ni Charlie Dizon bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Filmfest 2020 via Fan Girl movie.
Pinasalamatan niya si Charlie dahil na-mention ng young actress sa kanyang acceptance speech na isa si Iza sa mga naging dahilan kung bakit nasungkit niya ang prestigious award.
Aba, mga bigatin at beteranang aktres ang natalo ng newbie young star tulad nina Nora Aunor, Sylvia Sanchez at Iza Calzado.
Samantala, ayaw daw panoorin ng mga magulang ni Charlie ang Fan Girl. Dahil kaya sa love scene ng anak at ng leading man nitong si Paulo Avelino?
Comments