top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa show sa PTV4… ERWIN, UMAMING BAWAL BANATAN SI P-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 14, 2023
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 14, 2023



Aminado si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na dahil nasa PTV4 ngayon napapanood ang kanyang programang Punto Asintado Reload tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:00 AM with Aljo Bendijo as his co-anchor, for delicadeza sake nga naman, hindi niya puwedeng banatan nang todo sa kanyang programa si Pangulong Bongbong Marcos dahil government-owned station ang PTV4.


Pero hindi naman daw masasabing nare-restrict ang kanyang pagiging journalist ng 'conflict of interest' ngayon sa kanyang posisyon bilang kongresista rin dahil puwede pa rin naman niyang banatan 'yung mga nasa mababang posisyon na gumagawa ng mga katiwalian sa gobyerno at sa bayan.


At kung mga kapwa naman niya kongresista ang may isyu, hahayaan na lang daw niyang ang mga kapwa niya mamamahayag ang bumanat sa mga ito, pero puwede naman daw siyang maging 'tulay' o daan para makuha rin ang panig ng mga kasamahan niya sa Kongreso na masasangkot sa anumang anomalya o gulo.


Buhay na ni Cong. Erwin ang pagiging mamamahayag kaya sa kabila ng pagiging public servant niya, hindi pa rin niya maiwan ang trabahong ito. Kaya naman, mas pinalalakas nila ngayon ang kanilang mga programa sa PTV4, lalo't balitang makakasama na rin nila sa istasyon soon ang TV host na si Willie Revillame.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page