Dahil sa Shopee… KRIS, BALIK-TV SA GMA-7

ni Nitz Miralles - @Bida | October 20, 2020

May mga clues na si Kris Aquino kung ano'ng sorpresa niya bukas (October 21) gaya ng ipinost na emoji ng TV set, kaya sa telebisyon siya mapapanood.
Tungkol naman sa orange heart emojis na ipinost niya, may paliwanag dito si Kris.
“The 6 heart emojis refers to a brand, BUT because of them, makakabalik ako kung saan ako unang nabigyan ng pagkakataon na lumabas sa (TV emoji), bago pa mann naging president ang mommy ko. Ayokong sirain ang surprise pero sobra-sobra ang utang na loob ko sa “S (four heart emojis) e,” kasi maraming bahagi ng nakaraan ko na nagpasaya sa ating lahat, binuhay nila- sa October 21 mas maiintindihan n'yo ang sinusubukan kong i-explain.”
Tingnan natin kung magkakatotoo ang hula ng mga fans na sa Tutok to Win ni Willie Revillame siya mapapanood bukas at ang letters “S at e” na kanyang binanggit ay "Shopee". Sinabi niya kasi na ang brand na ito ang magbabalik sa kanya kung saan siya unang nabigyan ng pagkakataon na lumabas.
Maaalalang sa GMA Supershow ni German Moreno sa GMA-7 unang lumabas sa telebisyon si Kris, kaya nahulaan agad ng mga followers niya ang blind item. Saka, sa nagtanong kung sa TFC siya mapapanood, “unfortunately, no” ang sagot ni Kris.
Sa nag-comment na “To watch is to believe,” sagot ni Kris, “@casanova.rc Actually, that’s also what I’ve been thinking, to hold the microphone & see the red light on the camera is when I’ll believe it’s really happening... handa naman ako na until on air na, puwede pa rin namang hindi ito matuloy... pero ginawa na nila ang lahat para mapaligaya ang matagal nagtiyaga at naghintay sa effort nila, saludo ako.”
Samantala, lubos sana ang kilig ng mga shippers nina Kris at Herbert Bautista kung hindi parody account ni Herbert ang sumagot ng “Ano'ng hindi?” sa sinabi ni Kris na “'Yung tatay n'yo (si Herbert), hindi ako ipinaglaban kaya bumilib ako sa (six orange emojis uli)."
Kaso, parody account ang sumagot, kaya bitin ang kilig.





Comments