Dahil sa shooting incident... Mga pulis, magbabahay-bahay na
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
by Jeff Tumbado @News | August 28, 2026

Photo: DILG Sec. Jonvic Remulla- PNP
Isinusulong ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mas mahigpit na mga hakbang para sa kaligtasan sa paggamit at pag-iingat ng mga baril, kabilang ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng inspeksyon sa bahay ng mga rehistradong may-ari ng baril upang matiyak na ligtas at maayos ang pagkakarekado ng kanilang mga armas.
Ayon kay Remulla, dapat magkaroon ng legal na kapangyarihan ang mga awtoridad na inspeksyunin ang bahay ng mga gun owner upang mapatunayan kung sumusunod ang mga ito sa mga panuntunan sa ligtas na pag-iimbak ng armas.
Iginiit niya na ang pagmamay-ari ng baril ay isang regulated privilege at may kaakibat na responsibilidad, hindi isang ganap na karapatan.
Kasunod ito ng mga insidente ng pamamaril na kinasasangkutan ng mga kabataan, kabilang ang mga kaso kung saan nakakuha ng access sa baril ang mga menor-de-edad o mga taong walang awtorisasyon.
May mga insidente rin na kinasangkutan ng mga baril na pag-aari o ipinagkaloob sa mga kawani ng gobyerno.
Nais din ni Remulla na magkaroon ng batas na magpapataw ng criminal liability sa mga gun owner na mapatunayang naging pabaya sa pag-iingat ng kanilang armas at dahil dito ay nagamit o napunta sa kamay ng mga hindi awtorisadong indibidwal.
Layunin ng panukala na magkaroon ng mas mabigat na pananagutan sa halip na simpleng pagtrato sa kapabayaan bilang reckless imprudence, lalo na kung ang hindi ligtas na pag-iimbak ng baril ay humantong sa seryosong insidente.
Samantala, nananawagan din si Remulla sa Kongreso na higpitan ang mga parusa laban sa mga loose firearm, kabilang ang ilegal na pagmamay-ari ng mga hindi rehistrado o undocumented na baril.
Sa ilalim ng panukalang mas mahigpit na parusa, maaaring umabot sa 20 taon ang pagkakakulong ng see mga lalabag, depende sa uri at mga pangyayari ng paglabag.





Comments