top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Mar. 31, 2025



Photo File: PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo - Philipiine National Police


May 11 election-related incidents na ang na-validate ng Philippine National Police (PNP) mula nang magsimula ang kampanya kaugnay ng May 12 midterm elections.


Sa panayam sa radyo, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na hanggang nitong Marso 28, may 39 hinihinalang election-related incidents ang kanilang naitala.


Sa bilang na ito, 11 ang validated na election-related incidents, habang 23 ang validated na walang kinalaman sa eleksyon.


Sa 11 validated election-related incidents na ito, 5 ang sumasailalim sa preliminary investigation habang ang 6 ay isinasailalim sa case build-up.


Aminado si Fajardo na mas mainit ang eleksyon sa lokal kaya patuloy aniya silang magbabantay.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023




Ligtas at naging mapayapa ang Undas ngayong taon kahit na may mangilan-ngilan ang nakuhanan ng ipinagbabawal na bagay sa mga sementeryo.


Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police na si Colonel Jean Fajardo, pangkaraniwan lang naman ang mga bagay na kanilang nakumpiska habang sila ay nagpapatrulya at nakabantay sa mga sementeryo.


Kaya, sa kabuuan ay masasabing naging maayos naman ang paggunita natin sa araw ng Undas ngayong taon.


Pumalo nga sa 3-milyong tao ang dumagsa sa mga sementeryo nitong Nobyembre 1 at patuloy pa ring nakaantabay ang mahigit 37,000 pulisya na ikinalat sa bansa upang obserbahan ang katahimikan at kaayusan sa bawat sementeryo.

 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2022



Nasa full alert na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa seguridad ng bansa para sa May 9 national at local elections.


“Effective today, as of 6 a.m., nagdeklara na po tayo ng full alert. Ibig sabihin po, lahat ng kapulisan ay magre-render ng kanilang duty in relation sa ating paghahanda sa eleksyon,” saad ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang radio interview ngayong Miyerkules.


Ayon naman kay AFP chief of staff General Andres Centino, ang militar ay isasailalim sa red alert simula sa Biyernes.


“We are ready, we have done the planning, we have done the organization, and we have set up our monitoring command centers. We are declaring red alert by Friday so that we ensure that all AFP personnel across the country are accounted for by their commanders and ready for the election on Monday,” ani Centino sa ginanap na joint press conference sa PNP, Philippine Coast Guard, Department of Education, at Commission on Elections.


“And this is an assurance from your AFP, while at this time we are still uncertain of who will win, who will be the next leaders of our country, what we can be certain is that you have a strong armed forces ready to perform its duty,” dagdag ni Centino.


Samantala, sinabi nina PNP chief Police General Dionardo Carlos at Centino na wala pa silang natatanggap na anumang verified threats kaugnay sa eleksyon.


“Walang verified, all information lang. May word na baka so hindi pa rin sila sure. So whenever there is information, we go out and verify the information on the ground and come up with an intelligence report,” pahayag ni Carlos sa joint press conference.


Ani Centino, “these are unverified but we cannot be complacent, we are preparing for contingencies and we are ready for that.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page