top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil sa pulitika… MARIEL AT TONI, BFF PA RIN, BIANCA TABLADO NA!

BULGAR
Jul 2, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 2, 2022



May post si Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account na larawan nila ni Toni Gonzaga. Nilagyan niya ito ng intriguing caption na: "Tayo pa rin sa finish line." Nag-react si Bianca Gonzales ng three red hearts emoji.


Sina Toni, Mariel at Bianca ang mga original hosts ng Pinoy Big Brother. Sa nasabing reality show nagkakilanlan nang mabuti ang tatlo at naging daan para sila ay maging magbi-BFF.


Dahil sa pulitika, mukhang nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan.


Si Toni ay full support sa UniTeam ni P-BBM. Si Mariel naman, dahil kapanalig ng UniTeam ang mister niyang si Robin Padilla na tumakbong senador.


Si Binoe ang nangungunang senador sa senatorial race.


Samantala, very vocal naman si Bianca sa pagsuporta sa Kakampink dahil na kay dating Bise-Presidente Leni Robredo ang kanyang paniniwala.


Although, wala namang nega na sinasabi si Bianca about Robin. Naka-focus lang siya noon sa Marcos family dahil diktador daw ang dating pangulo ng Pilipinas na si Apo Lakay.


Anyway, bumaba na sa kanyang puwesto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at naupo na bilang bagong presidente ng 'Pinas si Ferdinand Marcos, Jr..


Sana, kung may hidwaan man ang tatlong magkakaibigan ay matapos na rin at manumbalik na ang dati nilang samahan.


Eto ang ilan sa mga nakalap naming komento…


"Dati si B ang pinaka-close ni M. Just how fast the night changes."


"Kasi with all struggles ni Mariel during the campaign season, andu'n si Toni and family niya. Napanood ko sa vlog ng parents niya si Robin and nagbigay din sila ng campaign materials for Robin. So, siguro, du'n nagka-test ng friendship. Sino 'yung 'andu'n for you sa isa sa mga lowest points ng buhay. Watch mo vlog ni Ogie sa interview niya with Mariel."


"Pa-woke ka kasi Bianca, eh. Remember you told them to educate them about Marcoses, ayan tuloy, ligwak ka daw sa kanila at 'di ka nga pina-fallow ni Toni, eh. Haha! Si Mariel lang, pina-follow niya sa IG niya."


"Bianca, hanap ka ng ibang ka-trio mo. Huwag na isiksik ang sarili mo d'yan. For sure, iinggitin ka lang ng mga 'yan with their insider political-wife jokes."


"Nagpi-feeling political wife. Or worse, nagpi-feeling na part na ng Royal Dynasty."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page