top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa pera… PAMILYA NI DOMINIC, TUTOL SA KASAL NILA NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 4, 2023




Labis na ikinalungkot at ipinag-alala ng mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang hula ng isang prophetic witch na si Mamu Gloria Escoto sa kauuwian ng kanilang magandang relasyon.


Wala raw kasalang magaganap kahit na mahal na mahal pa ni Bea si Dominic. Partidos daw ni Dominic ang tututol na sila ay magpakasal dahil mas mayaman si Bea.


Well, wala namang magiging problema kung mas mayaman si Bea sa BF niyang si Dominic.


Puwede naman silang gumawa ng prenup agreement tulad ng ginawa nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero bago sila nagpakasal.


Nakakapanghinayang naman kung hindi sa kasalan mauuwi ang relasyon nina Bea at Dominic. Si Bea pa naman, desidido nang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. At nasa edad na siya para maranasan ang maging ina.


Huwag na lang silang maniwala sa mga hula-hula at ipaglaban nila ni Dominic ang kanilang pagmamahalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page