Search
  • BULGAR

Dahil sa pag-amin ni Rica na ex ang aktor… NAKARAAN NI PIOLO KINA POPS AT ANGEL, NABUHAY ULI

ni Melba R. Llanera - @Insider | February 22, 2021




Inamin ni Rica Peralejo sa kanyang YouTube vlog nu’ng nakaraang Pebrero 19 na nagkaroon sila ng "no label relationship" ni Piolo Pascual.


Kahit hindi malinaw ang kanilang relasyon ay umabot din sila sa puntong pinag-usapan nila ang tungkol sa kasal.


May ilang netizens naman na nagbigay ng negatibong reaksiyon sa rebelasyon ng aktres sa kanyang vlog. May ilang nagsabi na may balak daw kayang magbalik-showbiz si Rica at gumagawa ulit ito ng ingay at ayon naman sa iba ay nag-iilusyon lang daw ang namahingang aktres.


Baguhan pa lang kami sa showbiz nang masaksihan namin ang closeness nina Piolo at Rica. May isang event nu’n na dumalo ang dalawa at nasaksihan din namin kung paano pinagbawalan at kinuha ng aktor ang sisindihan sanang sigarilyo ni Rica.


Magkatabi sila nu’n ni Piolo sa isang lamesa at nag-uusap nang ilabas ni Rica ang isang sigarilyo para sindihan pero kinuha ito ng aktor.


‘Di lang pumutok ang balita noon sa pagkakamabutihan nina Piolo at Rica, pero may bulung-bulungan na tungkol dito.


Ilan din sa mga sinasabing nagkaroon ng espesyal na relasyon noon kay Piolo ay sina Pops Fernandez at Angel Jacob.


Nakasama ng aktor si Pops sa A.S.A.P. samantalang si Angel naman ay sa ilang pelikula.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.