Dahil sa mga komplikasyon… VILMA, NA-COVID, HIRAP NA HIRAP
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 3, 2022

Isang araw before her birthday, nag-post ng video si Vilma Santos kahapon para ibalita sa kanyang mga fans and followers na kagagaling lang niya sa COVID-19.
“Alam ko po na medyo matagal n’yo akong hinanap,” simula ng Star for All Seasons, “well, I’ll be frank, COVID got me.”
Patuloy niya, negative na siya pero talagang nahirapan siya dahil nagkaroon siya ng mga komplikasyon.
“Ibang klase po ‘yung COVID ko, negative na ‘ko, pero ito ho raw ‘yung tinawag nilang ‘long COVID.’ ‘Yung nagkaroon ng mga complications. I had an asthma attack, and then, nagkaroon po ng mga fluctuating BP, headache.”
Napakaingat na nga raw niya pero talagang nadale pa siya.
“Kahit na po ano'ng ingat ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng COVID. So, ang advice po ng mga doctors sa akin, I really had to rest. Kailangan, medyo rest lang muna.
“Because, alam naman nating lahat na 35 years old na ‘ko,” biro pa niya, “so kailangan talaga, extra-ingat. So, I’m trying my very best to get back into the groove. So, pagbigyan n’yo muna ‘ko, ha? Pero ngayon, I’m trying my very best.”
Kasunod nito ay nagpaalala si Ate Vi sa lahat na maging maingat pa rin.
“Gusto ko lang pong ipaalala sa inyong lahat, please, please. . .COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po na sa mga kaedad ko na mga senior, you really have to be careful.
“Hindi po talaga madali. Maski po ako, nahirapan and I’m trying my very best still to get well at this point in time,” aniya.
Sinamantala na rin ni Ate Vi ang pagkakataon para magpasalamat sa mga doktor at nurses na nag-aalaga sa kanya, gayundin sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan especially ang kanyang mga Vilmanians.
Sa comment section ay dumagsa ang mga birthday greetings kay Ate Vi at mga “get well soon” messages.





Comments