top of page

Dahil sa mga atake kina PBBM at VP Sara, lagapak ang rating sa survey

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 5, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LABAN-BAWI SI CONG. STELLA QUIMBO SA ISYU NG 2025 GAA -- Naglaban-bawi si Marikina City Rep. Stella Quimbo, chairperson ng House Committee on Appropriations sa kanyang mga statement patungkol sa 2025 General Appropriations Act (GAA).


Noong January 28, 2025 ay kinumpirma ni Cong. Stella na may mga blank budget documents nga sa 2025 GAA, pero kahapon ay nag-iba ang kanyang tono, kesyo wala naman daw blangko sa GAA na pinirmahan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), boom!


XXX


ATAKE KAY PBBM, DURUGISTA DAW AT ATAKE KAY VP SARA, SCAMMER DAW NG CONFI FUNDS, AT DAHIL SA MGA BANAT NA ‘YAN, LAGAPAK ANG KANILANG RATING SA SURVEY -- Sa inanunsyong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay pareho na namang lumagapak ang net trust rating nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Vice President Sara Duterte-Carpio.


Sa totoo lang, patuloy talagang lalagapak ang rating nina PBBM at VP Sara kasi ang kanilang mga tagasuporta ay patuloy na nagsisiraan sa social media, ang atake ng mga Duterte Diehard Supporter (DDS) vloggers sa Presidente ay durugista daw ito, at ang atake naman ng mga Marcos loyalists sa bise presidente ay scammer daw ito ng confidential funds, period!


XXX


SA SOCIAL MEDIA LANG MATATAPANG ANG MGA FAKE NEWS VLOGGER, PERO SA KAMARA NAGTIKLUPAN SA TAKOT ANG MGA BUNTOT -- Karamihan sa mga fake news vlogger na inimbitahan sa imbestigasyon ng Kamara ay hindi sumipot sa pagdinig at sa halip ay nagtungo at nagpapasaklolo sa Supreme Court (SC) para pigilan ang mga kongresista na sila ay imbestigahan.


Hay naku, sa social media ang tatapang magpakalat ng fake news, pero sa imbestigasyon ng Kamara nagtiklupan ang mga “buntot” sa mga cong., boom!


XXX 


PINAGTAWANAN SA SOCMED SI SEN. DELA ROSA DAHIL PINIPILIT NA MAY MGA ‘PIATTOS’ DAW SA DAVAO CITY KAHIT WALA NAMANG GANITONG APELYIDO SA ‘PINAS -- Sa interview ni TV host Karen Davila kay Sen. Ronald Dela Rosa ay pinagtawanan siya ng netizens sa social media nang sabihin niyang maraming tao raw na may apelyidong “Piattos” sa Davao City, at ang hindi lang daw alam ng senador ay kung may nagngangalang “Mary Grace Piattos” na itinala ng Office of the Vice President (OVP) na kabilang daw sa binigyan nila ng confidential fund.


Aba’y pagtatawanan talaga si Sen. Dela Rosa kasi mismong Philippine Statistics Authority (PSA) na ang nagsabi walang taong may apelyidong “Piattos” sa Pilipinas, tapos ipinagpipilitan pa ng senador na maraming may apelyidong “Piattos” sa Davao City para lang maipagtanggol niya na may “Mary Grace Piattos” na nakatanggap ng confi fund sa OVP, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page