Dahil sa mga anak… ZEINAB, ABROAD GUSTONG MAGPAKASAL, ‘DI UMUBRA
- BULGAR
- Mar 29
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 29, 2025
Photo: Zeinab Harake - IG
Ini-reveal ni Zeinab Harake na ngayong taon na gaganapin ang kasal nila ng kanyang fiancé na si Ray Parks, Jr..
Sa panayam ng media sa content creator sa isang event ay nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa kanilang nalalapit na kasal.
Aniya, rito lang sa Pilipinas ang kasal, although binalak daw nila noong una na sa ibang bansa ito ganapin.
“Within the year. Dapat mag-a-abroad kami kaso nahihirapan ako ilipad ‘yung mga anak ko. So ang best advice sa ‘kin, ‘Magpakasal na muna kayo, tapos saka n’yo ayusin. Para at least, dalawa na kayo, hindi ka na single mom,’” pagbabahagi ni Zeinab.
When asked kung church or beach wedding, aniya,“Outdoor. It’s a Christian wedding. It’s about honoring God.”
Paliwanag pa niya, “‘Yung pagmamahalan namin ni Ray, lahat talaga ‘yun. Actually, kaya namin talaga gustong magpakasal kasi gusto namin talagang i-honor si God. Hindi dahil magbe-baby agad, hindi po. Marami pa kaming gustong i-build sa future namin nang hindi namin minamadali, pero at the same time, gusto lang talaga naming i-honor si God.”
BILANG pagdiriwang sa World Poetry Day nitong nakaraang March 20, nagkaroon ng kakaibang Pandesal Forum si Wilson Lee Flores at the historic 86-year-old Kamuning Bakery.
Ang naging espesyal nilang panauhin ay ang National Artist for Literature na si Prof. Dr. Gemino Abad at ang award-winning poet na si Prof. Dr. Vim Nadera.
Pinagsama-sama sa event ang mga iginagalang na makata, mga batang talento sa panitikan, at mga kinatawan ng media para parangalan ang walang hanggang kahalagahan ng tula sa buhay ng tao at lipunan.
Sa nasabing event ay ibinahagi nina Prof. Abad at Prof. Nadera ang kanilang malalim na pananaw tungkol sa kahalagahan ng poetry sa ating buhay.
Ini-recite rin nila ang kanilang mga sariling gawa at nagbigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga makata.
Humanga naman ang lahat ng dumalo sa ipinakitang balagtasan ng mga young poets from Neptali A. Gonzales High School in Mandaluyong led by Queen Jeramay R. Saldivar, Aries King T. Federis, and Pearl Mae Angela Cabudlan, under the guidance of their teacher, Jayson A. Cruz, and supported by their principal Dr. Corazon Regino.
Binanggit din ni Dr. Abad ang kanyang paghanga sa ating Filipino literary giants tulad nina Nick Joaquin and Francisco Arcellana.
Binigyan naman ng tribute ni Dr. Nadera ang mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Alejandro Abadilla and Emilio Jacinto.
Ang moderator ng forum na si Wilson Lee Flores ay nag-ambag din sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbigkas ng kanyang orihinal na tula, Ang Tinta ng mga Diwata, isang pagpupugay sa mayamang pamana ng mga makatang Filipino.
Sa kanyang tula, pinarangalan ni Flores ang mga sumusunod na icon na pampanitikan: Francisco Balagtas, Dr. Jose Rizal, Huseng Batute (José Corazón de Jesús), Jose Garcia Villa, Amado V. Hernandez, Carlos Bulosan, Nick Joaquin, Emmanuel Lacaba, Virginia Moreno, Rio Alma (Virgilio Almario), Gemino Abad, K. Jose Lacaba, at K. Salanga.
Comments