Search
  • BULGAR

Dahil sa matinding depresyon… ELLEN, AMINADONG KASALANAN NIYA KAYA SILA NAGHIWALAY NI JOHN LLOYD

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 11, 2021




Aminado si Ellen Adarna na siya ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sila ng ama ng kanyang anak na si John Lloyd Cruz.


Ayon sa pahayag ng sexy actress sa Preview.ph, dumanas siya ng matinding depresyon pagkapanganak niya kay Elias Modesto noong 2018. Tumagal daw ito nang dalawang taon.


Nagpatung-patong kasi ang pinagdaanan ni Ellen noon. Bukod sa postpartum depression, namatay pa ang ama niya.


Umpisang kuwento ni Ellen, “I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship — tough love, but father pa rin.”


Ito rin ang panahong nagkakaroon na ng problema ang relasyon nila ni John Lloyd.


Sabi pa ni Ellen, “You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work.”


Sinubukan ni Ellen ang dumaan sa counseling at nang hindi bumuti ang kanyang kalagayan, sumali siya sa isang healing program na tinatawag na KoKoro Program sa Bali, Indonesia.


March, 2020 nang unang ibahagi ito ni Ellen sa kanyang mga followers sa Instagram, kung saan sinabi niyang siya ay “stuck in this black hole for almost 3 years.”


Sa tulong ng healing program, nagsimulang bumuti ang kalagayan ni Ellen.


Sa kasalukuyan, mas maayos na raw ang pag-handle niya sa kung anumang problema ang dumating sa kanya.


Pahayag pa ng sexy actress sa Preview.ph, “In the past, I would react very quickly or violently or without thinking. Now, I still feel [the emotions], I’m still human, but I’m better at reacting. I manage it well na. I think I’ve zenned it out.


“I can identify when an emotion is coming: like what am I feeling, how am I feeling, why am I feeling this? If I react like this, what’s the outcome. So that’s all being calculated already. And ever since I had that kind of thinking, things have been so smooth.”


Si Elias din daw ang pinakamalaking dahilan kung bakit ginusto ni Ellen na i-resolve ang mga issues niya, lalo na kay John Lloyd.


Sabi ni Ellen, “My son needs him as much as he needs me. I see their relationship, and I see how happy my son is when he is around. So that’s why I also have to work on myself.


“Because when I had my issues with JL, ‘Okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him [it’s] because I had animosity towards [his] father?’ Damay pa 'yung bata sa mga issues ko.”


Ibinahagi rin ni Ellen ang co-parenting set-up nila ni John Lloyd, kung saan nakakasama ng aktor ang kanyang anak twice a week.


Sa ngayon, pareho pa ring single sina Ellen at John Lloyd kaya marami pa rin ang umaasang posible pa silang magkaayos at magkabalikan para sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.