top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil sa locked-in taping… JODI, OVERWORKED, PATI PAG-IISIP, NAAPEKTUHAN NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 16, 2022




Inamin ni Jodi Sta. Maria na na-pressure siya nu’ng ialok sa kanya ang Philippine adaptation ng The Broken Marriage Vow dahil katatapos lang niya ng seryeng Ang Sa Iyo ay Akin na umabot sa Season 2.


“Nu’ng sinabi sa akin ng management ko, hindi ako makapaniwala kasi nu’ng time na 'yun, halos katatapos ko lang panoorin ‘yung Korean adaptation and kagagaling ko lang din sa isang serye, so, tumakbo sa isip ko na, ‘Ha? Bakit ako?’ Siyempre, nakaka-pressure na parang hindi ko alam kung paano ko gagawin, paano ko bubuoin, and alam ko nga na sobrang hit ng Korean series, so I really don’t know kung ano 'yung mararamdaman ko. Siyempre, nagulat ako, na-surprise ako na in-offer,” bungad na kuwento ng aktres sa nakaraang solo mediacon niya nitong Biyernes nang hapon.


Ang adaptation ng The Broken Marriage Vow na ginawa ni Jodi ay ang British drama series na Doctor Foster mula sa BBC Studios na produced naman ng Dreamscape Entertainment.


Ang TBMV ang unang Philippine TV series na ipapalabas ngayon sa VIU streaming bilang bagong partnership ng ABS-CBN na nagkaroon ng pirmahan ng kontrata nitong Sabado, Enero 15.


Going back to Jodi, dahil katatapos lang niya sa locked-in tapings ng Ang Sa Iyo ay Akin kasama sina Sam Milby, Yam Concepcion, Iza Calzado at Maricel Soriano at saka sumabak ulit sa The Broken Marriage Vow nang halos dalawang buwan sa Baguio City at malapit na ang Pasko nang makalabas sila ay aminadong nabago na ang body clock niya.


“Minsan nga, natutulog ako, natutulog ba ako bilang si Jodi o natutulog ako bilang Jill (karakter niya sa TBMV)? Sometimes, 4 to 5 days straight (taping) and we have one day off so tuluy-tuloy at wala kang chance bumitaw sa karakter.


“And noong time na umuwi na ako ng Manila, December 24, alam mo ‘yung nakahiga ka, ang panaginip ko, taping. Ang pakiramdam ko, nasa Baguio pa rin ako. Nu’ng dumating ako sa bahay ko, tinitingnan ko, ‘Shocks, nasa bahay na ako?'


“Nu’ng sinundo nga ako ng driver ko (tinanong ko), ‘Asan tayo?’ Kasi ang nakikita ko, expressway. Kasi ang iniisip ko, dapat mapuno, alam mo ‘yung Baguio pa ang feels. Tapos halimbawa, nakatulog ako, magigising ako, (tatanungin ko), ‘Anong sequence?’" kuwento ni Jodi.


Ganito rin daw ang naramdaman ng ibang kasama ni Jodi sa serye na nagkaroon din ng psychological sepanx.


Anyway, sadyang tinapos na ang taping ng The Broken Marriage Vow sa loob ng dalawang buwan dahil mahirap bumalik-balik ng Baguio dahil sa health protocols na ipinatutupad ngayon sa lahat ng LGU.


Samantala, mapapanood na ang The Broken Marriage Vow ngayong Enero 22 sa iWantTFC, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV.

Subaybayan ito simula Enero 24, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at TFC.


Ang ibang kasama sa TBMV ay sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jef Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, at JB Agustin and with the special participation of Susan Africa and Ronnie Lazaro.


Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow sa direksiyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page