top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dahil sa isyu kay Rico Yan… KATRINA, CRISTY AT OGIE, IDEDEMANDA NI SABRINA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 21, 2023



Masama raw ba ang pagsasabi nang totoo?


Ito ang tanong ni Katrina Paula dahil kasama siya sa idedemanda ng kaibigang si Sabrina M., gayundin sina Ogie Diaz at Nanay Cristy Fermin.


Ito ang isa sa mga tinalakay nina ‘Nay Cristy at Romel Chika sa programa nilang Cristy Ferminute kahapon nang tanghali sa Radyo5 92.3 TRUE FM.


Bungad ng CFM host, “Friendship over na ngayon ang magkaibigan sa loob ng maraming taon na sina Katrina Paula at Sabrina M..


“Ang sama-sama lang ng loob ni Katrina Paula. Sabi niya, ‘‘Yung magpakatotoo ka, ikaw pa ang masama!’ Kasi nga, balitang-balita na kakasuhan kami nitong si Sabrina, si Ogie Diaz, ako, si Claudine (Barretto), si Katrina at kung sinu-sino pa.


“Sabi nga ni Katrina, ‘Ano bang klaseng tao ito? Lahat ng pakikisama, lahat ng pang-unawa, ginawa ko na para sa kanya.’”


At dito na rin inilabas ni Katrina ang mga nagawa niyang tulong para kay Sabrina noong lumabas ito ng kulungan dahil isa sa mga nahuli noong Setyembre 25, 2016 sa isang anti-drug operation ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) and District Special Operations Unit (DSOU).


Say daw ni Katrina, base sa kuwento ni ‘Nay Cristy, “'Ako nga nagpagawa ng pustiso niyan nu’ng lumabas siya sa kulungan. Pati ang bra at panty niya, ako rin ang nagbigay. Tapos, ngayon, idedemanda pa niya ako?'


“Alam mo, Romel, kung minsan talaga, hindi bale na hindi tayo magbigay ng ngiti kung kasinungalingan naman ang katapat. Hindi baleng mainis, basta’t magpakatotoo tayo, ‘di ba?”


dagdag pa ng kolumnista.


Sabi naman ni Romel Chika, “Nakakalungkot lang, ‘Nay, na binigyan naman ng pagkakataon ni Katrina si Sabrina, pero wala, dahil pinanindigan nito talaga na meron siyang gustong ihayag na aabangan natin kung anuman ‘yan.”


“Eh, tinanong nga niya (Katrina), sabi niya, ‘Sab, saan ba nanggaling ito na nagkaroon kayo ng relasyon ni Rico Yan nang two years? Wala namang ganito?’ Nagalit na sa kanya. At meron pa raw salita si Sabrina na hindi raw siya natatakot kung makulong siya ulit. Parang ganu’n ang pinaano (pinalalabas). May kayabangan, ‘yung kaangasan na ganyan, hindi tayo dadalhin sa maayos na paraan niyan, hindi tama.


“Kung ayaw mong umamin na ika’y nagkamali, so be it. Mapipilit ka ba namin na pabulaanan ang mga kuwento mo? Gawin mo na lang ang gusto mo. Pero, ito lang ang masasabi namin, katotohanan pa rin ang maghahari sa bandang huli,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Sabrina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page