Dahil sa ina na may dementia na… SEN. ROBIN, GUSTONG MAGKAROON NG CARE HOMES PARA SA MGA SENIOR CITIZENS
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 7, 2026

Photo: File / Robin Padilla
Nakikita ni Sen. Robin Padilla ang kalagayan ng kanyang inang si Mommy Eva Cariño. May edad na ito at may mild dementia. Ang tanging naaalala na lang nito ay ang malulungkot na bahagi ng kanyang buhay na pinagdaanan. Kaya naman ngayon ay inaalagaan nilang magkakapatid ang ina kahit may caregiver ito.
Dahil dito, naisipan ni Sen. Robin na imungkahi sa Senado na magtayo ng Care Homes sa bawat lungsod o bayan para sa mga senior citizens, lalo na ang mga inabandona ng kanilang pamilya.
Mahirap ang buhay na pinagdaraanan ng mga senior citizens, lalo na kung walang kakayahan ang kanilang pamilya na itaguyod at alagaan sila.
Hindi lang pagkain at gamot ang kailangan ng matatanda. Dapat din silang bigyan ng tamang atensiyon at pag-aalaga upang humaba pa ang kanilang buhay.
Umaasa si Sen. Robin Padilla na susuporta sa kanyang panukala ang mga ibang senador.
MARAMING malalaking endorsements ang dumating kay Barbie Forteza noong nagdaang taon, kasama ang kanyang ka-love team na si David Licauco.
Nagawa rin niya ang mga bagay na nagpabago sa kanyang daily routine sa showbiz.
Nagkaroon din siya ng panahon upang tumakbo at maging bahagi ng fun runs at marathons.
Noong 2025, nakatapos siya ng serye sa GMA-7 kasama sina Ruffa Gutierrez, Kyline Alcantara at Gloria Diaz. Nakapagbakasyon din siya sa USA upang makapag-recharge ng energy.
Kahit walang love life, hindi naging malungkot ang buhay ni Barbie dahil laging nakasuporta ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Solid din ang kanyang mga fans at patuloy siyang itinataguyod.
Maganda ang pasok ng taong 2026 kay Barbie dahil may bago siyang serye sa Kapuso Network. Nanatili ang tiwala sa kanya ng mga big bosses ng GMA Network at patuloy na sinusuportahan ang kanyang career.
May movie rin siyang gagawin kasama sina Charo Santos at Boots Anson-Roa, ang Until She Remembers (USR), kung saan kakaiba at challenging ang kanyang character.
Isang mahalagang bagay ang natutunan ni Barbie Forteza sa mga pinagdaanan niyang pagsubok noong 2025 — ang pagbibigay ng importansiya sa sarili.
Ito ang kanyang reward sa sarili kapalit ng pagod at puyat na dinanas niya upang maabot ang mga pangarap at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
NAPAKASAKIT tanggapin para kay Jackie Lou Blanco ang magkasunod na pagkamatay ng dalawang mahal niya sa buhay noong nagdaang taon. Ang kanyang ina na si Pilita Corrales ay yumao noong Abril 12, 2025, at sumunod naman ang kanyang mister na si Ricky Davao nu’ng May 2, 2025.
Malungkot ang pangyayaring ito sa kanyang pamilya, pero tinanggap ni Jackie Lou nang maluwag sa kanyang puso.
Nandiyan ang kanyang mga anak, kamag-anak, at kaibigan upang dumamay sa kanilang pagluluksa.
Sa panahong iyon, kumuha ang aktres ng lakas mula sa tatlo nilang anak ni Ricky. Bagama’t matagal na silang hiwalay ng aktor, naging tahimik at walang gaanong isyu na pinag-usapan ng publiko.
Ngayon, unti-unti nang nakaka-move on si Jackie Lou sa trahedyang pinagdaanan niya. Nag-focus siya sa kanyang career at naging abala sa taping.
Kasama si Jackie Lou sa bagong serye ng GMA-7, ang House of Lies (HOL) na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Mike Tan, at Martin del Rosario.








Comments