top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil sa ex-BF niyang si Rayver…. JANINE, BINURA SI JULIE ANNE SA MGA FOLLOWERS NIYA SA IG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 17, 2022




Hindi unfollow kundi deleted ang ginamit na word sa ginawang pagbura raw ni Janine Gutierrez ng name ni Julie Anne San Jose sa listahan ng mga followers niya sa kanyang Instagram account.


Espekulasyon ng mga netizens, ginawa 'yun ni Janine dahil sa palitan ng messages ng kanyang ex na si Rayver Cruz at ni Julie Anne nitong nakaraang Valentine's Day.


Mukhang hindi pa raw kasi nakaka-move on ang Kapamilya actress.


Kani-kanyang reaksiyon naman ang mga netizens at anila…


"Ang bitter ng babaeng ito."


"Oooohhhh, why naman ganern???"


"Baka 'di niya pina-follow talaga."


"Meron palang delete followers? Akala ko, unfollow lang, kebs na?"


"Ampaet... Ikaw nakipaghiwalay kay Rayver pero ikaw ang bitter d'yan, tse!"


"Hoy Janine, tita-hin ka na, tigilan mo 'yang pabebe mo."


Matagal ang naging relasyon nina Janine at Rayver. Kapamilya actor pa noon si Rayver at Kapuso naman si Janine nang maging mag-jowa ang dalawa.


Katunayan, kaya raw umalis si Rayver sa Kapamilya Network ay para sundan ang aktres sa GMA-7.


Kasagsagan naman ng pandemya nang lisanin ni Janine ang Kapuso Network at lumipat sa dating home studio ni Rayver.


Just asking, hindi ba't mukhang naka-recover na rin naman si Janine na nali-link na nga kay Paulo Avelino?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page