top of page

Dahil sa dyowa… CRISTINE, KAY SEN. IMEE NOON, KAY LENI NA NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 17, 2025



Cristine Reyes - IG

Photo: Cristine Reyes - IG



Inakalang tinalikuran ni Cristine Reyes si Senator Imee Marcos nang makita ang larawan niya kasama si Naga City Mayor Leni Robredo. 


Sa kanyang Instagram (IG), sabi nito, naging judge siya sa Ms. Bicolandia 2025, isang gabi ng “beauty, grace, and empowerment.”


Sey niya, “Special thank you to the honourable and well-loved Mayor of Naga City, Mayor Leni Robredo, for her inspiring leadership and gracious welcome. Gratitude as well to Raffy Magno of Angat Buhay for taking such good care of us.


“And to Mister G, my quiet anchor and constant calm.”


Ang tinukoy ni Cristine na Mister G ay ang rumored boyfriend na si Atty. Gio Tingson na involved sa Angat Buhay. Ang feeling ng mga netizens, si Atty. Gio ang rason kaya naimbitahan ang aktres sa Naga City at na-meet si Mayor Leni.



Sabay at parehong naglabas ng announcement ang ABS-CBN at GMA Network na mangyayari sa September 18, 2025 (bukas). Magkaiba lang ang accompanying photo at ang caption.


Sabi ng ABS-CBN, “Lalabas na ang sikretong malupit,” na may kasamang pintuan na may nakasabit na number 88. 


Ang version naman ng GMA Network, “We are welcoming you... Tuloy po kayo. 9.18.25.” May kasama itong photo ng bahay-kubo.


Kung sa ABS-CBN, nakasara ang pintuan, sa GMA naman nakabukas ang gate at may mga tanim sa paligid. Kani-kanyang hula ang mga fans kung ano raw ba ang announcement na ito. Bagong collab series ba ito ng dalawang network o ang nababalitang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Second Edition


May mga balita kasi na sa October na ang simula ng airing nito.


Para malaman, abangan natin ang announcement bukas at kapag totoong PBB Celebrity Collab Second Edition nga ito, marami ang matutuwa. 

Excited ang mga fans na makilala ang Kapamilya at Kapuso na papasok sa Bahay ni Kuya.



BIRTHDAY ni Ice Seguerra today, September 17. Masaya sana na i-celebrate niya ang kanyang 42nd birthday, kaya lang, wala na siyang magulang. Wala na rin ang mom niya, kamamatay lang ni Mommy Caring. 


Kahapon, sa mediacon ng next concert niyang Love Sessionistas: The Repeat (LSTR), naalala nito ang mom niya. First birthday niya ito na wala na si Mommy Caring.


Anyway, ang sipag ni Ice dahil katatapos lang ng two-night Being Ice: Live! concert, ang Love Sessionistas naman ang ipino-promote. Sa October 18, 2025 na ito sa The Theater at Solaire. 


Kasama pa rin niya sina Juris, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Princess Velasco. Si Ice rin ang stage director ng concert at si Liza Diño-Seguerra ang creative director. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page