top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil sa bagong show ng TVJ… VICE, NALUNGKOT NA NAWALA ANG IT'S SHOWTIME SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 23, 2023




Inamin ni Vice Ganda na talagang nalungkot sila noong malamang baka hindi na makaere sa TV5 ang It’s Showtime, pero hindi naman daw sumama ang loob nila kina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ) sa pagpasok ng mga ito sa Kapatid Network.


“We don’t feel bad sa TVJ, wala kaming ano na ganu’n, ha? Siyempre, meron ka ring… napakaipokrita ‘pag sinabi mong hindi ka nalungkot,” aniya.


“Nu’ng sinabi sa amin nu’ng una pa lang, 'Baka hindi na tayo mag-ere sa TV5,' siyempre, nalungkot din kami kasi siyempre, hindi namin alam kung saan kami pupunta. So, ano na’ng mangyayari?


“So, naaawa ako ru’n sa mga tao, sa mga staff namin, kasi sobra na silang naguguluhan,” patuloy ni Vice.


Pero ngayong may bago na silang tahanan which is GTV ng GMA-7, masaya na raw silang lahat at labis ang pasasalamat nila sa Kapuso Network.


“Masaya kami na, ‘di ba? May nagsarang pinto, may bumukas ulit na isang pinto,” aniya.


Sey pa niya, naging emosyonal silang lahat nang unang ibalita sa kanila na may lilipatan na silang tahanan.


“Nu’ng ibinalita sa amin, siyempre, emosyonal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, ‘yung parang nawalan ka ng tirahan, tapos biglang may kukupkop na naman sa ‘yo.


We feel so special and we are very grateful to GTV,” pahayag ni Vice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page